Press "Enter" to skip to content

Mga Aktibistang Bayan Muna, Pinagdadampot!

Iloilo City – Isang pari, isang lawyer, ilang mga miyembro ng community media at iba pang miyembro ng Kilusang Mayo Uno ang inanresto at dinakip ng ototidad sa gitna ng pinapairal na enhanced community quarantine.

Pag-aaklas

Sa pamumuno ng bagong alyansang makabayan – bayan panay chapter, nag martsa ang mga raliyista patungong centro ng Jaro, Iloilo City, Ito’y upang isigaw ang paghingi ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang bayan muna partylist coordinator na si Jose Reynaldo “Jory” Porquia.

Mga Aktibistang Bayan Muna, Pinagdadampot! 2
Photo credits: Facebook

Hindi pa man sila umaabot sa cenro ng Iloilo City ay hinarang na sila ng mga grupo ng kapulisan.

Pagdakip

Ayon sa pahayag ng secretary general ng bayan panay na si Elmer Foro, sila ay nakipag usap ng maayos sa mga kapulisan at humingi ng pahintulot na sila ay padaanin upang mag sindi ng kandila at mag alay ng bulaklak at dasal sa lugar na pina barilan ni Porquia. Ngunit sila ay hindi pinahintulutan makapasok kaya siya at ang kaniyang mga kasamahan ay nag pasya na umalis na lamang.

Mga Aktibistang Bayan Muna, Pinagdadampot! 3
Photo credits: Facebook

Sinalaysay pa niya na habang sila ay papaalis na sa Jaro Plaza kung saan sila nag tipon-tipon ay di umano binakuran na sila ng mga kapulisan at sinabihang sila ay aarestuhin sa paglabag sa batas.

Mga Aktibistang Bayan Muna, Pinagdadampot! 4
Photo credits: Facebook

Dagdag pa ni Foro,

“We condemn in strongest possible terms the high-handed manner by which the Philippine National Police tramples the sovereign peoples right to assembly, our right to protest and our right to seek redress of grievances.

Mga na-aresto

Kasama sa mga naaresto ng kapulisan ay sina Fr. Marco Sulayao ng Iglesia Filipina Independiente (IFI), Atty Angelo Karlo Guillen ng Dioces of Iloilo and National Union of Peoples Lawyer.

Samantala, 7 sa mga naaresto ay mga mamahayag na nag uulat sa protesta. Sila ay mga Panaysayon staff na sina Kevin Bingansinco, Krisma Nina Porquia, Gaybel Rei Gullen, Julrod Prino ng Panay Today, Crimson Labinghisa at Bryan Bosque ng Dampig Katarungan.

Mga Aktibistang Bayan Muna, Pinagdadampot! 5
Source: Facebook

Matatandaan na si Krisma ay anak ng namatay na si Porquia nito lamang linggo.

Sa kasalukuyan, sila ay naka kulong sa jaro Police Station at nahaharap sa kaso na paglabag sa Batas Pambansa 880, Disobedience to persons in authority, Violation of Republic Act 11332 o ang mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events of Public Health Concern Act at ang lokal na ordinansa ng Iloilo City.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: