Press "Enter" to skip to content

Mga Alagang Hayop Sa Malabon Zoo, Nangangayayat Na; Owner Nanawagan Ng Tulong Pinansyal

Viral ngayon sa social media ang paghingi ng tulong donasyon ng Malabon Zoo owner na si Manny Tangco. Bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila, hindi din nakakakain ng maayos at tama ang mga hayop sa Malabon Zoo.

Nakakahabag na kondisyon

Nakakaawa ang kasalukuyang sitwasyon ng mga alagang hayop sa Malabon Zoo. Sa mga litratong pinost ni Tangco ay makikita ang nakakahabag na kondisyon ng mga ito.

Mga Alagang Hayop Sa Malabon Zoo, Nangangayayat Na; Owner Nanawagan Ng Tulong Pinansyal 2

Ang mga lion na sina Digong at Malabon ay makikitang nangangayayat na din, dulot na din ng tigil operasyon sa mga pampublikong lugar. Ayon sa may-ari ng Malabon Zoo na si Tangco, sariling pera umano ang ginagamit nito upang matustusan ang pangangailangan ng mga alagang hayop. Dahil tigil operasyon ang zoo, nanghiram din ito ng pera sa mga kamag-anakan bilang tulong pinansyal.

Nananawagan si Tangco sa publiko na makahingi ng kaunting tulong upang maipagpatuloy na masustentuhan ang suplay ng pagkain ng mga alagang hayop doon.

Donasyon

Sa mga nais mag-abot ng tulong o donasyon, pinapayuhan na ang mga ito ay magtago ng kalakip na kopya ng kanilang deposit slip. Ang Zoo ay magbibigay ng official receipt sa mga magdodonate sa muling pagbalik ng operasyon nito. Sa isang post ng Philippine Star, nakalakip ang impormasyon sa kung saan maaaring ipadala ang donasyon.

Mga Alagang Hayop Sa Malabon Zoo, Nangangayayat Na; Owner Nanawagan Ng Tulong Pinansyal 3

Komento ng netizens

Hirit ng netizens, mas mainam na ibalik na lamang umano ang mga hayop sa kanilang tunay na tahanan. Ganunpaman, hindi ito magiging madali dahil ang mga hayop na namuhay ng matagal sa isang zoo ay sanay na nakadepende para sa kanilang kakainin. Ang mga ito ay hindi trained sa paghuli ng kanilang mga kakainin.

Mga Alagang Hayop Sa Malabon Zoo, Nangangayayat Na; Owner Nanawagan Ng Tulong Pinansyal 4

Sa kabilang banda, madami ang nalungkot sa kasalukuyang kondisyon ng mga hayop sa Malabon Zoo. Ang mga ito anila ay nangangayayat na at deserve din naman na maabutan ng tulong lalo ngayon sa panahon ng pandemiya.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: