Press "Enter" to skip to content

Mga Alkalde, Mamimigay Ng Tablets Para Magamit Sa Online Class

Tinatayang libo libong gadgets na gagamitin ng mga magaaral at guro, ang ipamimigay ngayong pasukan ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Quezon City. Ito ay para sa online classes na magaganap ngayong darating na balik eskuwela.


Libreng gadget para sa mag aaral 

Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno, na P994 Milyon ang ilalaan ng lokal pamahalaan para sa mga gadgets na gagamitin sa darating na pasukan. Dagdag pa ng Mayor, ang mga gadget ay may roong Sim card bawat isa, na magkakaroon ng load buwan buwan ng 10gb, at libreng 2gb data para naman sa YouTube.

Mga Alkalde, Mamimigay Ng Tablets Para Magamit Sa Online Class 2
Photo Credit: Philstar

“Bibili tayo ng 110,000 na tablet para sa mga Batang Maynila. Walang tosgas (gastos) na ang mga magulang. Lahat iyong 110,000 ay may SIM card. Buwan-buwan, may load na 10GB,” ani Moreno. 

Pocket wifi naman ang kasama ng laptop na ipapa mahagi sa mga guro. “Ma’am, sir, mga teacher, huwag kayong mag-alala. May laptop kayong lahat! Bibili tayo ng 11,000 para sa lahat,” ani ni Moreno. Inaasahang agosto 24, kasalukuyang taon ipapamahagi ang mga gadgets kasabay ng pag bubukas ng Academic year 2020-2021.

Lungsod ng QC

Ayon naman kay Mayor Joy Belmonte ng lungsod ng quezon city, P2.9 bilyon ang naaprubahang suplemental budget para sa mga gagamiting learning materials, Tulad ng gadgets, printed modules at internet allowance para sa inaasahang 430,000 na magaaral sa mga public school.

Mga Alkalde, Mamimigay Ng Tablets Para Magamit Sa Online Class 3
Photo Credit: QCitizen

Dagdag pa ng alkalde, magpapamahagi ng tablets ang kanilang pamahalaan para sa 155,921 na mag aaral na nakapagenrol sa junior high school at 19,819 para naman sa senior high school. Kasama rin sa special education ang budget para sa internet allowance, upang matugunan ang pag aalala ng mga guro patungkol sa connectivity ng planong blended learning.

Mayor Vico Sotto

Samantala, nakipag ugnayan naman si Mayor Vico Sotto sa Department of Education (DepEd) ukol sa posibilidad na mangyari sa nalalapit na pasukan. Maaring mabigyan ang mga guro at estudyante na Magagamit na gadgets sa pag aaral kapag hindi posible ang Face to Face class ngayong taon.

Mga Alkalde, Mamimigay Ng Tablets Para Magamit Sa Online Class 4
Photo Credit: Vico Sotto Facebook page

Ayon nama kay Roman Romulo congressman ng Pasig, maglalaan naman ng P1-B pondo upang ma pondohan ang pamimigay ng mga gadgets. “More or less ay aabot sa isang bilyong piso ang gagastusin kasi ang projected number of students ng Pasig is about 140,000. So, ganun karami ang bibigyan mo, dagdag pa siyempre ang mga teachers na wala namang laptop, ay mabibigyan din,” ang pahayag ni Romulo.

School supplies para sa online class

Kasamang ipamimigay ang flash drives na naglalaman naman ng mga learning materials at learning packets na gagagmitin sa online class kasama pati ang kinder at grade school students. Aayusin naman ng lungsod ang mga pasilidad ng mga eskwelahan gaya ng water pumps bago magsimula ang klase.

Mga Alkalde, Mamimigay Ng Tablets Para Magamit Sa Online Class 5
Photo Credit: filipinohottopics

Inaasahang namang magbibigay rin ng mga school supplies, care packages, na naglalaman ng face mask goggles at mga alcohol ang LGU ng lungsod ng Quezon city upang matiyak na ang mga magaaral ay may proteksyon lab.an sa sakit na covid-19

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: