Press "Enter" to skip to content

Mga Anak Na Nabastos Sa Social Media, Sunshine Cruz Bumwelta!!!

Nagpost sa kaniyang facebook account kamakailan si Sunshine Cruz patungkol sa mga facebook user na gumagawa ng di kaaya ayang post gamit ang mga litrato ng kanyang mga anak.

Memes sa social media

SEXUAL PREDATORS, ito ang bansag ng Love Thy Woman aktres na si Sunshine Cruz sa mga bastos at manyak na gumawa ng malalaswang photo gamit ang litrato nya at ng kanyang mga anak. Ayon sa aktres ay nablock na nya ang mga facebook user, pero nagscreen shot muna sya ng ginawang kababuyan ng mga nasabing user.

Mga Anak Na Nabastos Sa Social Media, Sunshine Cruz Bumwelta!!! 2
Photo Credit: Sunshine Braden Cruz

Ayon sa panayam ni Ganiel Krishnan sa aktres sinabi nito na,

“its not about what we wear kasi kahit balot na balot kami meron! I have copies na kahit desente ang mga suot namin grabe pa rin yung mga comments at shares na ginagawa on social media about my children”.

Respect Women

Maraming netizens ang nambastos at nambabuy sa larawan nya at ng kanyang mga anak, maging ang ilang mga schoolmate neto ay nakisali rin.

Aniya,

“I’ll hope you’ll have the courage to face us and say these things to our face.”

Mga Anak Na Nabastos Sa Social Media, Sunshine Cruz Bumwelta!!! 3
Photo Credit: Sunshine Braden Cruz

Sinabi pa ng aktres na hindi nya ito mapapalampas. Nakausap na rin niya ang kanyang mga abogado upang ito’y maaksyunan.

Sambit nito,

“I’m talking to my lawyer and management to tell you honestly. Nakakausap ko na sila, ‘yung lawyers  ko iniipon na rin yung kung anong mga bagay ang pwedeng ipunin. I have to say my side to tell people na hindi naman po talaga dapat kinukumpara sa pagkain sa inumin sa kotse o sa kung ano pa man ang mga babae lalong na ang mga anak ko.”

Advice ni Sunshine

Ayon pa sa aktres, walang sinoman ang may karapatan na mambastos sa kahit sino pa mang tao base lang sa kasuotan nito.

Wika niya,

“actually it has been going on na talaga, kaya nga yung mga taong nagsasabi na, oh! its because of the clothes that you wear on social media, NO!!”

Mga Anak Na Nabastos Sa Social Media, Sunshine Cruz Bumwelta!!! 4
Photo Credit: Sunshine Braden Cruz

Dagdag pa niya,

“Sana ma-educate din po ng mga magulang  lalo na ‘yung mga kabataan na nambababoy po sa mga anak namin. Maging responsible din tayo sa mga bagay na ipinopost natin online. Maging aral din sana ang nangyare ito sa mga taong ginagawang katuwaan ang mga litrato ng iba.”

Source: Sunshine Braden Cruz

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: