Press "Enter" to skip to content

Mga Chekwa, Balik Sa Pagmimina Sa Homonhon Island Sa Gitna Ng Lockdown

Nagprotesta ang mga residente ng Homonhon Island sa Eastern Samar laban sa diumano’y patuloy na pagmimina ng chromite ore sa nasabing lugar. Ito ay sa kabila ng ipinapatupad na community quarantine upang masugpo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Matagal nang problema

Ang barkong MW VW Peace na may lulang 13 Chinese at 4 na Myanmar crews ay dumaong sa isla kamakailan. Ang layunin ng pagdaong ng barko ay para magkarga ng 7,000 metric tons ng chromite ore para i-export sa China. Hindi ikinatuwa ng Homonhon Environmental Rescuers Organization ang pagdating ng barko.

“Matagal nang problema namin yung pagmimina dito sa Homonhon, matagal na matagal na iyan, mahigit na sa 30 years,” ayon kay Daipen Montes, presidente ng organization.

Daipen Montes - Homonhon Island
Credits: Stand for Truth

“‘Yung sa ngayon, kaya po talaga kami tumututol, hindi na lang po ito issue ng pro-mining at anti-mining people. It’s an issue sa health risk na pwedeng kaharapin ng mga taga-Homonhon doon sa pagdating ng Chinese vessel na iyon,” paliwanag pa niya.

Apila sa DENR

Umapila si Eastern Samar Gov. Ben Evardone kay Department for Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu upang huwag payagan ang barko na dumaong sa isla at magkarga ng mineral.

Ang apila ni Gov. Evardone ay para pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan laban sa covid-19.

Gov. Evardone - Homonhon Island
Credits: Stand for Truth

“Pakiusap sana nga namin, kahit man lang after noong quarantine period, pero hindi rin kami pinakinggan eh. Apparently there was undue haste doon sa loading,” ang sabi Governor Evardone.

“Ang hinihingi ko lang naman ano eh, mag-quarantine ang crew ng 14 days pagdating sa Homonhon. After 14 days kung talagang clear sila, puwede silang mag-loading, provided may permit, may health protocols,” dagdag paniya.

Ang desisyon

Sinuspinde ng DENR ang order ng pagkakarga ng chromite sa barko noong Abril 7, pero pinayagan din nila pagkaraan ng 4 na araw. Ito ay dahil sa ang barko ay nakatanggap ng clearance mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, “We required them to submit all the pertinent documents coming from the DOH so nakapag-furnish naman sila sa amin noon.”

“Nabigyan sila ng permit ng DOH. Nilagay rin namin sa mineral ore and export permit na hindi puwedeng magkaroon ng contact ‘yung nasa barko saka ‘yung nasa mainland.”

Chinese Vessel - Homonhon Island
Credits: Stand for Truth

Samantala, ang mga Pilipino na nagtrabaho sa mining operation ay isinailalim na sa quarantine. Narito ang video kaugnay ng nasabing balita:

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: