Press "Enter" to skip to content

Mga Construction Worker Na Nastranded Sa Pandacan Manila, Humihingi Ng Tulong

Pandacan, Manila – Isang netizen ang nagpost sa social media na humihingi ng tulong para sa mga contruction worker na nastranded at wala ng makain sa kanilang barracks. Sila ay naabutan ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Panawagan nila

Ayun sa naturang post, ang mga construction worker ay nasa kanilang barracks sa Brgy. 848 1113 T. San Luis St., Pandacan, Manila. Nauubosan na raw sila ng mga supplies lalo na ng pagkain. Natigil na ang kanilang trabaho at wala na silang kita simula na ipinatupad ang ECQ.

Mga Construction Worker Na Nastranded Sa Pandacan Manila, Humihingi Ng Tulong 2
Photo Credits: Facebook

Kahit ano raw pagtitipid ang kanilang gawin ay di na aabot sa pagtatapos ng quarantine ang kanilang supply dahil sa dami nilang higit isang daan. Lumapit na din daw sila sa lokal na pamahalaan pero dahil di sila botante ay isinantabi lang ang kanilang hiling. Sana naman daw ay matulungan sila ng lokal na pamahalaan at sa sino mang may kakayahang tumulong.

Kumento ng netizens

Umani ng sari-saring komento sa mga netizens ang naturang post. Ayun sa iba ay lumabas nalng at suwayin ang ECQ para mahuli basta sundin pa rin ang social distancing. Pagnahuli naman daw ay mabibigyan na sila ng rasyon na pagkain.

Mga Construction Worker Na Nastranded Sa Pandacan Manila, Humihingi Ng Tulong 3
Photo Credits: Facebook

Ayun naman sa iba ay sagutin sila ng kanilang contractor. Dapat ay tinulungan silang makauwi sa kani-kanilang lugar. May netizen rin na nagkomento na dahil sa nilabas sa social media ang problema ng mga trabahador ay kinausap na sila ng Barangay Captain at ng police station na katabi lang nila. Sana naman daw ay huwag ng paabutin sa ganito bago tulungan.

Ayun sa leadman

Ayun sa nagpakilalang leadman ng mga trabahador, wala raw talagang pakialam ang kanilang kompanya sa kanila. Wala raw silang benepisyo kabilang na ang 13th month pay. Hindi rin daw sila nakakuha ng cash assistance sa DOLE dahil wala silang maipakitang payslip at hindi sila tinulungan ng kanilang kompanya.

Mga Construction Worker Na Nastranded Sa Pandacan Manila, Humihingi Ng Tulong 4
Photo Credits: Facebook

Takot raw ang kanilang kompanya na makasuhan kaya hindi nagpasa sa DOLE. Sana naman daw ay matulungan sila para maiparating sa kinauukulan ang ginagawa ng kanilang kompanya sa kanila.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: