Press "Enter" to skip to content

Mga Empleyado Ng Manila City Hall, Nagpositibo Sa COVID-19

Last updated on June 6, 2020

Nagpositibo ang labindalawang empleyado ng Manila City Hall sa bagong Coronavirus na sanhi ng sakit na COVID-19.

Sariling pasilidad

Noong mga unang araw ng Mayo, ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay nagsimulang gumawa ng sariling pasilidad para sa eksaminasyon ng bagong Coronavirus. Ang Sta. Ana Hospital ang napiling paglalagyan ng laboratoryong ito.

Maaalalang sinabi ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong ika-16 ng Mayo 2020

“Magpapatayo po tayo ng sarili nating testing laboratory.”

Mga Empleyado Ng Manila City Hall, Nagpositibo Sa COVID-19 2
Photo credit: Manila City Government website

Ang testing laboratory ay makakatulong upang maraming magawang confirmatory test na maaaring gawin sa Manila. Magbibigay din daw ito ng “gold standard” para sa pagsasagawa ng confirmatory testing sa mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

‘Mandatory testing’

Noong unang araw ng Hunyo na kasabay ng paglalagay sa general community quarantine o GCQ ng Metro Manila, lahat ng empleyado ng Manila City Hall ay sumailalim sa rapid antibody testing. Ang eksaminasyon na ito ay para sa bagong Coronavirus na sanhi ng sakit na COVID-19, ayon sa Manila Public Information Office o MPIO. Mayroon nang 734 na empleyado ang sumailalim sa rapid antibody testing ayon sa impormasyong inilabas ng Manila Health Department o MHD noong ika-3 ng Hunyo.

Mga Empleyado Ng Manila City Hall, Nagpositibo Sa COVID-19 3

Isinagawa ang pagsusuri sa klinika ng mga empleyado ng lungsod sa kanilang unang araw ng pagbabalik sa trabaho. Ito ay sinabing “mandatory testing” para sa lahat ng empleyado ng gobyerno ng Lungsod ng Maynila.

Ang resulta

Labindalawang empleyado ng Manila City Hall ang nagpositibo sa Coronavirus. Ayon sa MHD, apat sa nagpositibo ay nakunan na ng swab samples para sa polymerase chain reaction, ang eksaminasyong pangkumpirma para sa bagong Coronavirus. May walo pang natitira na kukuhanan pa lang swab samples.

Mga Empleyado Ng Manila City Hall, Nagpositibo Sa COVID-19 4
Photo credit: Manila City Government website

Noong Hunyo 2, 2020, naitalang 1,472 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Sources: Manila Bulletin, Inquirer.net, Manila City Government website

Mga Empleyado Ng Manila City Hall, Nagpositibo Sa COVID-19 5
Photo credit: Manila City Government website

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: