Press "Enter" to skip to content

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing

Last updated on August 13, 2020

Isang 12 years old na estudyante ang modelo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program of the Department of Social Welfare and Development.

Pantawid Member since 2011

Si Kristine Claire Auman ay, patuloy na nagpupursige at pinaghahandaan ang kanyang kinabukasan. Ang kanyang pamilya ay isa sa mga benificiary ng 4Ps o Pantawid Program simula noong 2011. At inspirasyon niya bilang “pantawid kid” na gawin ang lahat na makakaya para mabago ang buhay nila.

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing 2
Photo Credits: Sunstar

Ang karangalan ni Kristine ay hindi nagtapos sa paaralan, dahil halos sa lahat ng mga extracurricular activities ay aktibo siya. Leader si Kristine sa Church Based Youth organization sa kanilang lugar, maliban sa pagiging Girl Scout of the Year awardee sa paaralan.

Di kagaya ng ibang mga magulang na meyembro ng 4Ps, na inu-una ang ibang bagay pagdating sa pera, ang magulang niya ay suportado ang kanyang pag-aaral at sinisiguro na nasa eskwela si Kristine. Kaya inspirasyon ni Kristine ang kanyang mga magulang, na nakikita niyang naghihirap sa araw araw para matustusan ang kanilang pamilya.

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing 3
Photo Credits: MetroCebuNews

Bright ligt

Nagpasalamat si Krsitine sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare at Development, dahil malaki ang naitulong nito sa pag-aaral niya, lalo na sa kanilang kahirapan.

Sabi niya,

“As a Pantawid beneficiary, I valued education like a lamp that illuminates. The program greatly helps us, especially in our studies. It gives hope to people who struggle to live each day.”

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing 4
Photo Credits: Philippine Information Agency

Gagraduate sana nong Marso 2020 si Kristine, pero dahil ma pademya, ay hindi ito natuloy. Pero malakas ang loob niya at naniniwala na hindi hadlang ang pandemya sa mga gustong maabot niya sa buhay.

Maraming nagtagumpay

Isa lang si Kristine sa mga maraming nagtagumpay mula sa programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare at Development. Si Sheremie Canunayon, 20, grumaduate na Cum Laude sa University of Science and Technology of Southern Philippines. At si Cadet 1st Class Jefferson Yamson Salazar ay, 3rd in rank sa Philippine Military Academy Masidlawin class of 2020 na benficiary din ng 4Ps ang mga magulang.

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing 5
Photo Credits: Philstar

Negatibong epekto ang 4Ps

Kung may mga magandang nagawa ang 4Ps program, ay meron din itong naging negatibong epekto, lalo na sa mga rural farming areas.

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing 6
Photo Credits: Artikulo

Ayon kay Agriculture Secretary, Manny Pinol, nagkaroon ng kakulangan ng mga trabahante na tutulong sa mga magsasaka, kahit saang parte sa bansa.

Sabi ng isang farm owner,

“Dati marami kaming trabahante. Pero ngayon, mag-ani lang ng isang araw, aayaw na kasi may 4Ps.” 

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing 7
Photo Credits: Official Gazette

Ang ganitong mga senaryong ay kadalasang daing ng mga farm owners. At sa tingin ng Secretary, ang 4Ps program ay may 2 aspeto. Una, maaring indikasyon ito na umaayaw na ang mga farm workers dahil sa mababang pasahod sa pagsasaka. At pangalawa, ay ang pagkakaroon ng “growing mentality of dependency” at pag-asa sa mga ibibigay o begging, na sa tingin ni Pinol ay, hindi maganda.

Nilinaw naman ng Secretary na hindi niya tinutuligsa ang 4Ps, kungdi “to allow the managers of the 4Ps program to take a second look at it and undertake remedial and corrective measures. ”

Mga Estudyanteng Modelo Ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, Nagpasiklab Ng Angking Galing 8
Photo Credits: GMA News

Kaya, ang Department of Agriculture, ay dinagdagan ang budget sa mga tractors, machine harvesters at dryers, upang matugunan ang hinaing ng mga magsasaka.

Ngayon ang Pantawid Pamilya program, ay isa ng batas, kung saan, magbibigay ang gobyerno ng conditional cash transfer sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng 7 taon.

Source: Sunstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: