Press "Enter" to skip to content

Mga Foreigners Pwede Ng Pumasok Sa Bansa, Sa Ilang Kondisyon!

Malacañang, Philippines- Papayagan ng makapasok sa bansa sa darating na unang araw ng Agosto ang mga foreign nationals na mayroong long-term visa. Ito ay ayon sa anunsyo ng palasyo nitong Biyernes.

Valid and exsisting visa

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si spokesperson Harry Roque nitong July,17 na kinakailangan ay mayroong valid and exisisting visa ang mga dayuhan na papasok ng bansa. Kinakailangan din umano na kumuha ang mga naturang foreign nationals ng pre-booked accredited quarantine facility at COVID-19 testing provider. Dagdag pa nito na mayroon lamang maximum na kapasidad ang maaring makapasok sa daungan sa nakatakdang petsa ng pagpasok dahil mas kailangan pa din bigyan ng prayoridad ang mga magbabalik bansa na mga pilipino.

Ang kondisyon

Ang government COVID-19 task force ay magtatakda ng mga kondisyon bago payagang makapasok ang mga dayuhan dito sa bansa. Ang mga dayuhan ay sinabing hindi lamang mga ordinaryong dayuhan kundi ang mga ito ay kinikilalang tahanan ang bansang Pilipinas at may permenant residents visa. Sabi pa ni Roque, kailangan muna dumaan ang mga ito sa proseso gaya ng PCR testing at quarantine bago tuluyang papasukin.

Ang Kondisyon- Tourist
Photo Credit: Gma

Aniya,

“Dadaan po sila sa proseso. Kinakailangan magpa-PCR test sila pagdating nila. At habang nag-aantay ng resulta sila po ay magi-stay sa quarantine,”

Apela ng foreign embassy

Samantala, noong mga nakaraan ay tanging mga pilipino, asawa’t anak at ilang foreign government, international organization at airlines crew pa lamang ang pinapayagang makapasok. Ngunit, dahil sa naging pag-aaral kasabay ng apela ng foreign embassy sa Pilipinas ay itinaas na ang travel restriction upang payagan ng makapasok ang mga dayuhan na ang ilan ay nagtatrabaho at mga permanent resditendial visa holders.

Non-essential overseas travel

Gayunpaman, noong nakaraang linggo ang Pilipinas ay itinaas na ang pag ban nito sa non-essential overseas travel ng mga pilipino bagaman napapailalim pa din ito sa ilang mga kondisyon gaya ng pagsumite ng kumpirmadong round trip ticket para sa mga magbabyahe na mga tourist visa at may deklarasyon sa panganib sa paglalakbay.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: