Press "Enter" to skip to content

Mga Hayop! Kawawang Aso, Pinagtripan Ng Mga Taong Walang Magawa Sa Buhay.

Isang kawawang aso ang napag-tripan tusukin ng isang pana sa Barangay 1, Roxas, Palawan.

Mga walang awa

Kalat ngayon sa social media ang larawan ng isang aso na ito sa Barangay 1, Roxas, Palawan. Walang awang tinusok sa puwetan ng isang pana ang kawawang aso na ito.

Mga Hayop! Kawawang Aso, Pinagtripan Ng Mga Taong Walang Magawa Sa Buhay. 1

Mababakas sa muka ng aso ang sakit na nararamdaman niya at para bang nakikiusap sya sa kumuha ng larawan na tanggalin na ito sakaniya.

They have feelings too

Ayon sa uploader na si Kristina Ariola Palaca, nadaanan niya ang kawawang aso na ito habang siya ay pauwi sakanilang bahay. Sakaniyang post ay naki-usap siya na huwag sanang saktan o pag-tripan ang mga kawawang aso dahil may mga damdamin rin ang mga ito.

“Nadaanan ko lang habang pauwi ng bahay. Kawawa naman ang asong to 😭 wag po sana tayong manakit or mangtrip ng aso coz they have feelings too. They deserve to be loved and not to be hurt.😭
Location: Bgy 1. Roxas, Palawan”

Mga Hayop! Kawawang Aso, Pinagtripan Ng Mga Taong Walang Magawa Sa Buhay. 2

Ligtas na sa kapahamakan

Matapos naman maipaalam ng uploader na si Kristina ang mensahe niya sa mga netizen at mga walang awang nanakit sa kawawang aso ay agad naman itong inaksyunan ng dog owner.

Mga Hayop! Kawawang Aso, Pinagtripan Ng Mga Taong Walang Magawa Sa Buhay. 3

Ayon sakaniya, matapos niyang kontakin ang mga kakilala niyang vet ay binalikan niya ang aso para kamustahin at sabihin na may mga kakilala siya na makakatulong sa kawawang aso, ngunit ng datnan niya ito naialis na ng dog owner ang pana sa puwetan ng aso at nabigyan na rin ito ng mga gamot na kaniyang kakailanganin.

Masahol pa sa hayop

Matinding galit naman ang pinarating ng mga netizen matapos makita ang mga larawan ng kawawang aso. Masahol pa raw sa hayop ang gumawa nito. Nais nila na panagutin ang kung sino mang gumawa nito at nanawagan sila sa PAWS (The Philippine Animal Welfare Society) at iba pang pribadong organisayon na tumulong at umaksyon upang matigil ang mga ganitong gawain dahil ayon sakanila hindi dapat sinasaktan, kundi minamahal ang mga aso dahil katulad nating mga tao, may damdamin din ang mga ito.

Source: Facebook Kristina Ariola Palaca

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: