Press "Enter" to skip to content

Mga Intsik Nahuling Nag Ooperate Ng POGO Sa Isang Lugar, Arestado!

Manila, Philippines – Arestado ang nasa 53 indibidwal dahil sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Mayuga Compound, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Patagong kalakaran

Batay sa pulisya, sa kabila ng pinapairal na enhanced community quarantine, nakatanggap ng tawag ang Regional Special Operation Unit (RSOU) hinggil sa operasyon ng POGO sa nasabing lugar. Kabilang sa mga naaresto ang 44 na Chinese nationals. Samantala, 14 sa mga ito ay mga babaeng minor de edad at 6 na Pilipinong lalaki.

Mga Intsik Nahuling Nag Ooperate Ng POGO Sa Isang Lugar, Arestado! 2
Source: GMA Network

Ayon sa nag subong na isang concerned citizen, may mga grupo ng Chinese nationals na pawang armado ang madalas makitang pakalat-kalat sa gabi at lumalabag sa curfew hour.

Ang aksiyon

Samantala, sinabi ng hepe ng Parañaque City Business Permit and Licensing Officer na si Atty. Lanie Malaya, nakarating sa kaniyang kaalaman ang report at agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang magsagawa ng imbestigasyon.

Mga Intsik Nahuling Nag Ooperate Ng POGO Sa Isang Lugar, Arestado! 3
Source: GMA Network

Ayon kay Malaya, napag-alaman nilang ang mga suspek ay nangupahan sa apartment sa loob ng compound na ginawang isang business hub para sa operasyon nila na illegal online gaming.

Ang pag risponde

Agad nakipag-coordinate ang mga miyembro ng Regional Special Operation Unit (RSOU) sa Southern Police District (SPD) katuwang ang Parañaque City Police upang beripikahin ang nasabing sumbong. Ayon pa sa mga rumisponde, naabutan pa nila ang ilan sa mga suspek na nasa kalye at may mga nakasukbit na baril.

Mga Intsik Nahuling Nag Ooperate Ng POGO Sa Isang Lugar, Arestado! 4
Source: Tribune

Batay sa kanilang salaysay, nagsipagtakbuhan ang mga nasabing suspek papasok sa compound nang makitang papalapit ang mga pulis. Dahilan umano para habulin nila ito patungo sa direksyon kung saan natuklasan nila ang ilegal na operasyon ng mga nasabing suspek.

Ayon pa kay PNP Chief Police Col. Robon King Sarmineto, ng kanila ng inisa-isang i-check ang mga documento ng mga suspects, nalaman nilang ang mga ito ay ilegal POGO workers. Napag alaman pa ng mga rumispunde na hindi sila kasali sa listahan ng mga lisensyadong POGO’s dito sa bansa.

Mga Intsik Nahuling Nag Ooperate Ng POGO Sa Isang Lugar, Arestado! 5
Source: Tribune

Aniya ni Sarmiento,

“They said, they are workers of Skyluck Corp, Skydragon Global Technology, Dragon Wealth System ang Dragon Global. But none of these are operating in Paranaque.”

Maliban dito, nakumpiska rin ng mga otoridad ang 36 laptops, 17 unit ng desktop, nasa limang mga armas at 1.3-M cash. Mahaharap sa kasong illegal posession of fire arms, illegal gambling at violating against quarantine protocols ang mga nahuling intsik.

Mga Intsik Nahuling Nag Ooperate Ng POGO Sa Isang Lugar, Arestado! 6
Source: Tribune

Magugunitang, ipinatigil ang operasyon ng POGO matapos isailalim ang enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kung saan palalawigin pa ng gobyerno hanggang Mayo 15 ng taong kasalukuyan ang pagpapatupad ng lockdown.

Source: Tribune

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: