Press "Enter" to skip to content

Mga Ka-Pulisan, Paiigtingin Pa Lalo Ang Seguridad Pagdating Ng Mayo15

Manila, Philippines – Ayon kay Joint Task Force Covid Shield commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar mas Lalo pang paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang visibility ng kanilang kapulisan kasabay ng pagbaba sa general community quarantine (GCQ) sa May 15 sa ilang lugar.

Mabawasan ang krimen

Sa datos buhat noong May 10, inilahad ni Eleazar na nakapagtala na ang PNP ng 32 kasong may kaugnayan sa krimen sa buong bansa.

Pasok dito ang kasong murder, homicide, physical injury, robbery, theft, carjacking, carnapping ng motorcycle, at rape.

Mga Ka-Pulisan, Paiigtingin Pa Lalo Ang Seguridad Pagdating Ng Mayo15 2
Photo credits: PNA

Ani niya,

“The challenge now is how to sustain it. So, our kababayans should expect continuous stricter measures such curfew during nighttime because this measure is not only to prevent the spread of Covid-19 but also as our preventive measure against criminal elements.”

Dagdag pa ni Eleazar,

“We ask the public to gradually accept the fact that these strict measures are the new normal in terms of peace and order under the time of this pandemic.”

Nailatalang kaso

Itatalaga rin ang mga pulis at sundalo sa usaping krimen. Inihayag ni Eleazar na nais ni PNP chief Archie Gamboa na mapanatili ang mababang bilang ng krimen.

Pinakamalaking porseyento ng krimen sa Luzon na may 67%, samantala 58% sa Visayas at 51% naman sa Mindanao.

Mga Ka-Pulisan, Paiigtingin Pa Lalo Ang Seguridad Pagdating Ng Mayo15 3
Photo credits: PNA

Bago pa ang implementasyon ng ECQ, pumapalo ang kaso ng krimen sa 150 kada araw at nitong March 17, bumulusok ito sa 88. Makaraan ang 54 araw ng ECQ, nasa 59 na lang ang average nito.

‘New normal’

Pahayag ni Eleazar, layunin nito na mapigilan ang banta ng krimen sa ilalim ng ipatutupad na new normal.

Ani niya,

“Under GCQ, more establishments will be allowed to operate because our economy will be partially opened. This means that more people would be allowed to go out. So, our police visibility would be in these areas in order to strictly implement the basic rules such as wearing of face masks and physical distancing.”

Mga Ka-Pulisan, Paiigtingin Pa Lalo Ang Seguridad Pagdating Ng Mayo15 4
Photo credits: PNA

Habang mananatili ang quarantine control points (QCPs) at dedicated control points (DCPs) sa ilalim ng GCQ, iginiit ni Eleazar na lalo silang maghihigpit wq mobile checkpoints at random checking ng mga pribadong sasakyan para na rin maiwasan ang traffic jams.

Source: Philipine News Authority

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: