Press "Enter" to skip to content

Mga Kaibigang Artista Ni John Regala, Nagpa-Abot Ng Tulong Sa Aktor

Inulan ng tulong ang aktor na si John Regala matapos itong mag-viral ukol sa sitwasyon nito sa kalusugan. Hindi nag-atubili ang mga nakasama sa industriya ni Regala at agad na hinatiran ng tulong na syang pinangungunahan ng aktres na si Nadia Montenegro.

Gava Gives

Sa isang Instagram post ay ipinahayag ni Nadia na nagsimula ito ng donation drive kasama ng aktor na si Chuckie Dreyfus at Aster Amoyo na isang veteran entertainment writer. Nag-set up ng isang account ang grupo para sa mga nais magpaabot ng tulong para sa aktor.

“With the help of Nanay Aster A. Amoyo & Chuckie Dreyfus we have created a ‘Gava Gives Assistance Account’ for John and are now waiting for APPROVAL for the account wherein anyone who wants to help can send it through there,

Mga Kaibigang Artista Ni John Regala, Nagpa-Abot Ng Tulong Sa Aktor 2

Ayon pa kay Montenegro, sinubukan nitong kausapin ang kapwa-aktor ngunit hindi nito maintindihan ang pagsasalita nito. Aniya pa, kikitain nito ang kaibigan kasama ang isang kaibigan na doktor upang matingnan ang sitwasyon at gawin ang mga tests na higit na kailangan nito.

Tunay na sitwasyon

Ang aktor ay dumadaan sa malaking pagsubok sa kanyang kalusugan. Mayroon itong liver cirrhosis at ilang buwan nang hindi nakakapagpa-dialysis bunsod ng kakulangan sa pera. Kaya naman, higit na kailangan nito ngayon ng atensyong medikal. Sa kasalukuyan ay kailangan ni Regala ng wheelchair, pang-araw araw na pantustos para sa pagkain at medikal, at pang-dialysis para sa sakit.

Mga Kaibigang Artista Ni John Regala, Nagpa-Abot Ng Tulong Sa Aktor 3

Nag-viral

Nag-viral muli ang pangalan ng sikat na kontrabida na si Regala sa social media ukol sa nakakaawang kondisyon nito. Isang food delivery driver ang nagmagandang loob na sya ay tulungan nang mahilo ito habang tila may hinahanap na isang nurse.

Sa post ng netizen na si Carlo Marti Clariza,

“Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po sa aken kase nahihilo po siya may hinahanap siya na nurse Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad Naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang BRGY.183 PASAY CITY”

Aniya ay nakakalungkot isipin na ang noon ay iniidolong kontra bida ng marami ay nasa hindi magandang kondisyon.

“masakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon 😢😢😢Kaya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako’y may deliver pa 😢maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong”

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: