Press "Enter" to skip to content

Mga Kapulisan Na Sangkot Sa Enkwentro Sa Jolo, Dinisarmahan

Last updated on July 1, 2020

Manila, Philippines – Pinadisarmahan at isinailalim na sa kustodiya ng Sulu Provincial Police Director ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, batay sa kautusan ni Interior Secretary Eduardo Año.

Nangyaring enkwentro

Para kay Año, ang naturang pagpatay ay “very unfortunate” at hindi dapat nangyari.

Ani niya,

Mga Kapulisan Na Sangkot Sa Enkwentro Sa Jolo, Dinisarmahan 2
Photo Credit: GMA Network

“I already gave instructions to Police General Archie Gamboa to disarm the policemen involved, restrict them under the custody of the Sulu Provincial Director. They will be investigated by the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) and I will request a parallel investigation by the National Bureau of Investigation (NBI).”

Imbestigasyon sa pangyayari

Gayundin ay hinikayat niya ang NBI na imbestigahan ang naturang insidente sa pagitan ng mga pulis at militar.

Dagdag niya,

Mga Kapulisan Na Sangkot Sa Enkwentro Sa Jolo, Dinisarmahan 3
Photo Credit: Journal

“The Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) have been working closely in the fight against the terrorists. I want to know what really happened and no stone must be left unturned.”

Ang sagupaan

Sa inital report mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Philippine National Police, nagpapatrol ang Jolo Municipal Police Station (MPS) at Provincial Drug Enforcement Unit police officers sa Barangay Bus-Bus nang mamataan nila umano ang apat na armadong lalaking lulan ng gray SUV sa Sitio Marina, Barangay Walled kahapon, June 29 bandang alas-2:40 ng hapon.

Nang komprontahin ng PNP team, nagpakilala ang mga lalaki na AFP servicemen at makaraan ay inatasan sila na magtungo sa Jolo MPS para sa beripikasyon. Ngunit nang dumating sila sa istasyon, sinabi ng mga pulis na tumakas umano ang mga sundalo at nagtungo sa Martirez, Barangay San Raymundo.

Hinabol sila ng mga pulis at dito na naganap ang barilan. Dagdag pa sa ulat, titingnan pa ang tunay na motibo ng pamamaril.

Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng nasabing Enkwentro. Umaasa naman ang AFP at PNP na mabibigyan ng linaw ang tunay na nangyari na kinasangkutan ng mga Naka men in uniform.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: