Press "Enter" to skip to content

Mga Kilalang Mommy Sa Showbiz May Say Sa “Divine Intervention” Issue

Last updated on March 18, 2020

Mga ina ng mga sikat na personalidad sa showbiz nagbigay mensahe at payo tungkol sa pag dedesisyon ukol sa kanilang mga anak. Kaugnay ito ng kontrobersyang kinasasangkutan ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo at ina nitong si Mommy Divine na nagwala sa venue ng civil wedding ng anak.

Secret wedding

Halos mag iisang linggo na ng pumutok ang balita tungkol sa secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Lalong binalot ng kontroberya ang kasalan ng sumugod si Mommy Divine sa venue at nag histerikal. Dahil dito, hindi maiwasan batikusin siya ng mga netizen. Kilala bilang “kontrabida” sa buhay pag-ibig ni Sarah ang kanyang magulang lalo na ang tumatayong manager na siya ring ina niya. 

Dahil dito, hiningan ng payo at reaksyon ang ilang mga ina ng mga sikat na artista sa bansa. Kabilang na dito si Mommy Pinty na kilalang ina ni Tony at Alex Gonzaga, Mommy Carol na ina naman ng drama queen na si Judy Ann Santos, at Jaclyn Jose na ina ni Andi Eigenmann. Kilala sila hindi lamang bilang ina ng mga sikat nilang anak kundi sa pagiging strikta at prangka ng mga ito.

I haven’t get a single centavo

Sa post ni Jaclyn Jose sa kanyang Instagram account sinabi niya na kahit minsan ay di siya humingi ni isang kusing sa kanyang mga anak. Hindi rin umano siya nakikisawsaw sa issue ng kanyang anak upang maging responsable ito sa sarili. Wala man pinatutungkulan ang kanyang post ngunit sa hinala ng mga netizen ay “parinig” ito kay Mommy Divine lalo pa at tyempo ang post niya sa kontrobersya ng “Divine intervention”.

“It is our responsibility S parents, I am a single mom of 2, worked so hard to make them feel that everything was ok naputulan ng ilaw o d makabayad rental but that doesn’t mean na ipapasa ko ang mga problema ko sa mga anak ko.. I haven’t get a single centavo sa mga anak ko. Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko. I did all my best to raise them happy lang.. 

No controlling para pag time naman nila gawin nila naman para sa mga anak nila.. D ako nakikisawsaw sa issue by giving my point let them at the end they will more responsible..us parents must understand our children let them leave madadapa yan pero babangon kung hahayaan natin sila.. At wag obligate your children to pay for your dreams they have their own too.”

Mga Kilalang Mommy Sa Showbiz May Say Sa "Divine Intervention" Issue 2

Dapat talaga may support

Sa mismong kaarawan naman ni Mommy Carol na ina ni Judy Ann Santos hiningan siya ng komento ng PEP kung ano ang say nila sa issue. Kilala rin bilang mataray na ina si Mommy Carol at dumaan din sa kanyang masusing pagsusuri si Ryan Agoncillo bago ito naging asawa ni Juday. Ang payo niya ay isipin ni Mommy Divine ang kaligayahan ng kanyang anak. Suportahan na lamang niya ito dahil hindi naman siya ang pakikisamahan ni Matteo.

“At the end of the day, ang isipin mo ay ang kaligayahan ng anak mo, hindi yung kaligayahan mo. Kasi ikaw paalis na sa mundo. Itong mga anak mo, paumpisa pa lang, so you always wish them the best na mangyari sa buhay nila. At matuwa ka na nandyan ka pa, nakita mong masaya ang anak mo, right? Dapat talaga may support ka sa anak mo. 

Kahit nga ayaw mo ang mapapangasawa ng anak mo, the mere fact na gusto ng anak mo yu, wala kang magagawa. Kasi, ikaw ba ang pakikisamahan ng mapapangasawa? Pabayaan mo ang anak mo. Sila naman ang magiging maligaya. At the end of the day, kung magkagulo-gulo, anak mo ang masisisi at hindi ikaw.”

Mga Kilalang Mommy Sa Showbiz May Say Sa "Divine Intervention" Issue 3


Advice na lang ang kailangan

Hindi rin nakatakas sa tanong ng publiko ang ina ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga na si Mommy Pinty. Kilala ang ina bilang manager ng kanilang anak at striktong ina. Sa isang party ng anak niyang si Toni at hiningan din siya ng komento tungkol sa issue at kung ano ang gagawin niya kung sakaling nasa kalagayan siya ni Mommy Divine. Ayon sa kanya, hindi dapat pinaghihimasukan ng magulang ang kanyang anak. Kapag nasa legal age na ay payo na lamang ang dapat gawin.

“Para sa akin ha! Hindi tama yung panghihimasukan natin bilang magulang ang buhay ng anak natin. Lalo na at may isip na yan at kaya ng madesisyon para sa sarili niya. Ito ay opinyon ko lamang para din siguro sa ibang magulang. Ang anak ibinigay yan ng panginoon pero hindi ibig sabihin na ang anak ay pagmamay-ari na ng magulang. Bilang magulang gabay lang talaga ang dapat.

Diba nga pag laging kinokontrol yung isang tao mas lalong pumipiglas. So ganun lang din yun pagdating sa mga anak. Kase may sarili na yang desisyon. Hindi na katulad ng mga bata pa sila na nakikinig pa sa atin na mga magulang. Tsaka pag legal age na, advice na lamang ang kailangan ng mga iyan!”

Mga Kilalang Mommy Sa Showbiz May Say Sa "Divine Intervention" Issue 4

No comment

Iisa ang nais ipahayag ng mga mensahe nila, ang suportahan at tanggapin na lamang ni Mommy Divine ang desisyon ng anak. Sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng anumang komento ang bawat panig. Mabilis na iniiwasan ni Sarah ang ano mang tanong tungkol sa naganap na komosyon sa kanyang kasal. Tulad pa rin ng dati, hindi rin nagbibigay ng anumang pahayag si Mommy Divine.

Dasal ng lahat ng nagmamahal sa kanila na maayos na sigalot sa mag ina lalo pa at panibagong chapter ng buhay ang haharapin ni Sarah bilang maybahay ni Matteo.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: