Press "Enter" to skip to content

Mga Kompanya Sa Online Kadiwa Store, Nadagdagan Pa

Siyam pa na mga pribadong kompanya ang sumali sa Online Kadiwa Store Program na isunulong ng Department of Agriculture upang mapadali para sa mga mamimili ang paghahanap at pagbili ng mga produkto mula sa mga magsasaka.

Ang online kadiwa store

Napagdesisyunan ng Department of Agriculture (DA) na palawakin ang programa nilang Kadiwa Store kaya noong ika- 7 ng Abril sa taon na ito ay tumanggap na sila ng mga deliveries. Ito ay upang maisaayos ang pagtitinda ng mga produktong pang-agrikultura sa presyong abot-kaya sa pamamagitan ng koneksyon nito sa lokal na gobyerno at mga pribadong sektor.

Mga Kompanya Sa Online Kadiwa Store, Nadagdagan Pa 2
Photo Credits: Department of Agriculture

Ang mga abot ng deliveries ay ang mga lugar sa Alabang, Antipolo, Bicutan, Bonifacio Global City, Cainta, Caloocan, Fairview, Katipunan, Las Piñas, Libis, Makati, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Pasay, Parañaque, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Sucat, Taguig, Taytay at Tondo.

Nadagdag na mga kompanya

Dagdag sa 10 na kompanya noong Mayo ay 9 na mga pribadong kompanya pa ang nadagdag sa Online Kadiwa store, ito ay ang Mama Sita’s, Tuko Fresh Produce, Farmer Juan Ranch, Moolk Creamery Corp., Moneth Agri Store, Chef’s Corner Meat Outlet, Chicqhenn Mart, Rico’s Lechon, at Lively Grain. Ang programa ay nakatulong na sa mahigit 12,000 na mga magsasaka dahil direkta nang nakakapamili ang mga konsumer sa kanila.

Mga Kompanya Sa Online Kadiwa Store, Nadagdagan Pa 3
Photo Credits: Ag Funder News

Maliban pa sa siyam na mga kompanya ay nakipagtulungan din ang DA sa Lalamove at GrabExpress para sa logistics at delivery services. Ito ay isang paraan upang mapabuti ang kabuhayan at makipagsabyan na sa “new normal.”

Ang pahayag ng Secretary

Dahil sa pagbabago dulot ng pandemya ay mas inayos ang programa na eKadiwa. Ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar, sisiguraduhin nila na ang mga produkto na ibebenta ay pasok sa requirement ng food law at maayos ang control system upang maiwas sa kapahamakan ang mga mamimili.

Mga Kompanya Sa Online Kadiwa Store, Nadagdagan Pa 4
Photo Credits: Department of Agriculture

“Digital technology has become a very important tool to enhance agriculture. With all the lockdowns, we need to empower and enhance these mechanisms for the future,” said Agriculture Secretary William Dar.

( “Ang Digital Technology ay naging napaka importnteng bagay sa pagpapa-unlad ng agrikultura. Sa mga lockdowns na nangyari, kailagan natin mapaisaayos at paunlarin ang mga ganitong pamamaraan para sa hinaharap,” ani ni Agriculture Secretary William Dar.)

Iba pang plano

Inanunsyo rin ni William Dar na nais niyang makipagtulungan sa Department of Foreign Affairs sa hinaharap upang mas maipalaganap ang ekadiwa.da.gov.ph portal sa iba pang mga bansa na kung saan kasama ang Agricultural Export Section para makatulong sa iba pang kompanya.

Mga Kompanya Sa Online Kadiwa Store, Nadagdagan Pa 5
Photo Credits: Philippine News Agency

  Ang eKadiwa ay isang online market portal kung saan ang mga nagbebenta at namimili ay maaaring maka-order ng sariwang gulay at prutas, isda at ito ay maaaring maipadala diretso sa kanilang mga bahay. Ang pagbabayad ay pwedeng pagkadating ng produkto o kaya bank transfer at ang delivery rate ay naaayon sa lokasyon ng bumili

Source: Philstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: