Press "Enter" to skip to content

Mga Komunista ‘The Number One Threat In The Country’ – Pangulong Duterte

Sa press briefing na naganap nitong hatinggabi ng Lunes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga komunista raw ang pinakamalaking banta sa Pilipinas.

Ang kanyang pahayag

Sabi ni Duterte sa kanyang talumpati,

“The number one threat to the country, hindi Abu Sayyaf, hindi mga terrorista of no value. Ito ‘yong high-value targets, itong mga komunista,”

Mga Komunista 'The Number One Threat In The Country' – Pangulong Duterte 2
Photo Credit: GMA News

Dagdag niya,

“Kaya ang utos ko talaga sa Armed Forces na sundalo, upakan mo,”

Abu Sayyaf at Communist Party

Sinabi ng Pangulo, ang parehong Abu Sayyaf at ang Communist Party ay sinamantala ang pagkakataon habang mayroong COVID-19 sa bansa.

Ikinumpara niya pa ito sa dating mga terrorista na wala umanong ideolohiya ngunit ngayon daw ay ‘higit pang mapahamak’ ang epekto ng mga ito.

Mga Komunista 'The Number One Threat In The Country' – Pangulong Duterte 3
Photo Credit: The Canberra Times

Bukod dito, ang laban kontra New People’s Army ay labis raw na pinabagsak ang national security ng bansa.

Huwag humantong sa marahas

Pahayag ng Pangulo,

“If I don’t do my duty as president… we might bargain away, place in jeopardy the democratic values Filipinos have enjoyed for the longest time,”

Mga Komunista 'The Number One Threat In The Country' – Pangulong Duterte 4
Photo Credit: Al Jazeera

Inaasahan din niya na hindi sana humatong sa punto na gawin niya ang isang bagay na “mas marahas” ukol sa sitwasyon.

Aniya,

“‘Wag na tayo sana umabot sa… that I have to kill you, kung wala nang iba.”

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: