Press "Enter" to skip to content

Mga Kontribusyon Ni Former Manila City Mayor “Alfredo S. Lim”

Si Alfredo “Fred” S. Lim a.k.a Alfredo Siojo Lim ay ipininanganak noong December 21, 1929 sa Tondo, Maynila. Nakapagtapos ng edukasyon sa paaralan ng University of the East at nabigyan ng parangal na Grand Cross of the Order of Civil Merit noong taong 1995.

Panunungkulan bilang pulis

Si Lim ay nanungkulang bilang isang pulis noong 1950’s sa loob ng tatlong dekada at ang kaniyang unang nagawa ay ang maaresto si Sen. Robert Barbers dahil sa kasong illegal possession of firearms. Matapos ito at sa kanyang patuloy na panunungkulan ay umani ito ng maraming pagkondena at mga parangal bago pa man ito pumasok sa politika.

Bilang Pulis- Former Mayor
Photo Credit: Facebook

Samantala, sa panahon ng administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino ay naitalaga sya bilang isang direktor ng National Bureau of Investigation o NBI at nanilbihan mula 1989 hanggang sa taong 1992 hanggang siya ay nanalo bilang Alkalde ng Maynila.

Ang kaniyang mga nagawa

Si Lim ay nanungkulan bilang Alkalde ng Maynila mula 1992-1998 at sa loob ng kaniyang dalawang termino ay marami din itong nagawa at ang mga ito ay ang:

Mga Nagawa- Former Mayor
Photo Credit: Manilatimes
  • Gawing libre ang ang elementarya, high school, at kolehiyo sa mga taga Maynila sa lahat ng antas.
  • Ipinatayo nito ang City College of Manila sa dating Philippine National Bank building sa Escolta.
  • Napigilan nito ang paglaganap ng droga sa pamamagitan ng pagpipintura ng mga tahanan ng mga drug pushers na madaling nakakapagpiyansa dahil sa koneksyon nila sa ilang mga korupt na opisyal sa korte.
  • Napababa nito ang bilang ng mga krimen at naging mas maganda ang peace and order sa lungsod.
Kaniyang Nagawa- Former Mayor
Photo Credit: Hataw
  • Puwersahan din nitong ipinasara ang mga establisyemento ng prostitusyon na mayroong involve na white slavery na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataang kababaihan.
  • Dahil din sa kaniya ay napaanggat ang serbisyo ng mga health workers sa pamamagitan ng pagtaas ng mga allowance nito gayundin, ng mga ka-pulisan na nagseserbisyo sa nasabing lungsod.

The dirty harry

Dahil sa pagpapatupad niya ng matibay na anti-crime policies laban sa mga drug pushers ay nabansagan itong “Dirty Harry” at bukod pa dito ay gumawa din siya ng mga proyekto na sa pagpapaganda ng imahe ng lungod. Nagsulong din ito ng reporma sa pamahalaang lungsod at ginamitan ng slogan na may katagang “Magaling na lider, Disipilinado.”

Naging Bansag- Former Mayor
Photo Credit: Inquirer

Samantala, nito lamang Sabado ika-8 ng Agosto ang dating Alkalde ay pumanaw na dahil sa sakit na corona virus disease 2019 o (COVID-19).

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: