Sa patuloy na paghina ng kanilang benta, nahaharap ngayon sa malaking pagkalugi ang mga shopping malls sa bansa. At patuloy na ginagawan ng paraan upang makabangon sa bagong “new normal” at hindi tuluyang magsara.
Car Storage, BPO spaces at medical clinics
Ang SM Prime Holdings Inc., bilang no.1 mall sa bansa, ay inaalok na for rent ang kanilang mga parking spaces para sa longer-term car storage, habang ang Ayala Land Inc., ay kinokonsidera ang pagconvert ng ibang facilities nila na maging e-commerce backend facilities at medical clinics.

Sabi ni Francis Montojo, the unit’s chief finance officer ng AyalaLand Logistics Holdings Corp.,
“We continue to explore opportunities and other commercial areas may be converted to healthcare clinics or office space. ”
Innovate or evaporate
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asia na may mga malalaking shopping malls. Na kung pagsamasamahin ay aabot sa 7.3 million square meters, ayon kay Joey Bondoc, research manager sa Colliers International Group Inc.

Pero ngayong may pandemya, ay nahaharap ang mga malls sa banta ng pagsara, kung hindi makahanap ng ibang paraan upang magkaroon ng income. “Innovate or evaporate” ika nga, ang sabi ni Mr. Bondoc, ang siyang naging delimma ngayon ng mga mall owners.
Ang sikat na Amazon, isang online store sa America, ay napabalitang nakipag usap sa isang Mall Operator sa America, sa ineterest ng kompanya sa mga areas na maaring lisanin ng mga magsasarang mga renters. Gagawin mang warehouse o hindi, pero pwedeng maging hudyat ito sa mga mall owners kung ano ang posibleng pagkakitaan ngayong may pandemya.

Mga negosyo sa America
Marami na rin ang napabalitang mga businesses sa America na nagfile ng bankruptcy sa gitna ng pandemya. Ilan lang ang ga sikat na brands gaya ng Neiman Marcus, JCPenney, vitamin and supplement chain GNC, Brooks Brothers at kahit ang Cirque du Soleil sa mga nag file ng Chapter 11 bankruptcy.

SM’s Drive-in Cinema
Dahil na rin sa kawalan ng mga customers na pumupunta sa mall, kaya mas lalong wala ring tumatangkilik sa mga sinehan sa mga malls. Kaya ang SM Pampanga, ay nag launch ng Drive-in Cinema,(Philippine’s first drive-in cinema). At naging patok ito at contactless ang pagbenta ng ticket, pati ang pagpapatupad ng social distancing ay sinusunod.

Ilan lang ito sa mga kakaunting mga pwedeng gawin ng mga mall operators, at umaasang sa madaling panahon ay matapos na ang pandemya at maibalik muli sa normal ang lahat pati ang ekonomiya.
Source: Business World
Be First to Comment