Press "Enter" to skip to content

Mga Mayor Binigyan Na Ng Deadline Sa Distribusyon Ng SAP; 2nd Tranche Nito Nakahanda Na!

Manila Philippines- Binigyan na ng deadline sa pamamahagi ng unang batch ng Social Amelioration Program (SAP) ang mga Mayor at ito ay hanggang Abril 30 na lamang. Ito ay sa kadahilanang ang 2nd Tranche ng naturang programa ay nakahanda na upang ipamigay sa ikalawang linggo ng Mayo.

Ang deadline

Ayon kay DILG Usec. Martin Diño, ang unang ayuda ay naipamahagi na sa bawat lokal ng pamahalaan noon pang Abril 3. Kaya naman dapat ito ay matapos na hanggang sa huling araw Abril 30. Upang hindi na maantala ang 2nd tranche ng nasabing ayuda.

Mga Mayor Binigyan Ng Deadline
Photo credits: GMA

Dagdag pa nito dapat ay nagkaroon ng panahon ang bawat namumuno sa pamamahagi mula ng ito ay kanilang matanggap. Nagbigay naman ang DILG ng kaukulang deadline sa bawat lokal ng pamahalaan na tapusin ang pamimigay hanggang Abril 30 na deadline nito.

“Ano na ngayon? April ano na. Kasi ganito yan, from DSWD, binigay sa city, Kung ang mga city ay ibinigay kaagad sa mga barangay yan at barangay ang nag distribute ang bilis nyan.” Ayon pa din kay DILG Martin Diño .

Ang babala

Ang Social Amelioration Program na ito ay nagkakahalaga ng P5,000-8,000 mula sa DSWD na kailangan ipamahagi sa bawat barangay ng bawat lungsod. Ang maaring makatanggap nito ay ang mga kwalipikado lamang na mahihirap na lubhang naapektuhan ng patigil trabaho bunsad ng ECQ.

Mga Mayor Binigyan Ng Deadline
Photo credits: PinasBalita

Nagbigay naman ng babala ang DILG na kung hindi makasusunod sa deadline ay pananagutin ang mga ito. Ngunit ang ilan sa mga Mayor ng Lokal ng Pamahalaan ay nagsabing malabong sila ay masakunod sa nasabing palugit.

Resulta ng di pagsunod

Kung hindi nila ito matatapos sa deadline hindi ito ma-liquiadate at hindi pa maaring ipamahagi ang ikalawang ayuda. Dahil ang mga ito ay mayroong accountability na kailangang ma-liquidate sa DSWD ng bawat Mayor -Ayon pa din kay DILG Diño.

Mga Mayor Binigyan Ng Deadline
Photo credits: GMA

Ayon naman kay Usec Camilo Gudmalin ay mabilis na lang umano maibaba ang pera mula sa DBM papunta sa mga bank accounts ng mga Local Government Units. Ito ay dahil mayroon na silang record at memorandum of agreements ng mga ito.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: