Press "Enter" to skip to content

Mga Miyembro Ng GSIS, Maari Nang Mag-Apply Ng COVID-19 Emergency Loan

Nagbigay ng anunsyo ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa kanilang mga regular at pensyonadong mga miyembro. Naghayag ang ahensya na maaari nang mag-apply para sa COVID-19 emergency loan ang mga ito. Ang pag-apply ay pwedeng gawin online.

Emergency loan

Ang programang ito ay magbibigay nag pagkakataon sa mga miyembro na magloan ng halagang P20,000. Ito ay maaring bayaran sa loob ng tatlong taon na may 6% na interes. Ang loan na ito ay matatanggap sa pamamagitan ng kanilang eCard or Unified Multi-Purpose ID (UMID).

Mga Miyembro Ng GSIS, Maari Nang Mag-Apply Ng COVID-19 Emergency Loan 1

Sinabi ni GSIS president at general manager Rolando Macasaet na naglaan sila ng P30 na bilyong halaga para sa nasabing emergency loan. Ito ay paraan ng ahensya upang makatulong sa mga regular at pensyonado na mga miyembro nito bilang pagtugon sa krisis na kinakaharap ng bansa.

Paano mag-apply

Ang kwalipikadong myembro ay maaring lamang punan ang application form at iba pang mga kinakailangan at ipadala sa mga itinalagang email address. Naayon ito sa lugar na pinagtatrabahuhan ng mga miyembro or tirahan ng mga pensyonado.

Mga Miyembro Ng GSIS, Maari Nang Mag-Apply Ng COVID-19 Emergency Loan 2

Mga email address ng GSIS sa iba’t ibang rehiyon:
gsiscares@gsis.gov.ph (NCR including Quezon City and Cavite)
gsisnorthluzon@gsis.gov.ph (North Luzon)
gsissouthluzon@gsis.gov.ph (South Luzon)
gsisvisayas@gsis.gov.ph (Visayas)
gsismindanao@gsis.gov.ph (Mindanao).

Sa mga mayroong UMID card, pwedeng mag-apply sa GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks na matatagpuan sa lahat ng sangay ng GSIS. Kasali na rin dito ang kanilang mga extension offices, mga kapitolyo sa mga probinsya, tanggapang panglungsod at mga munisipyo.

Maari ring ipadala ang aplikasyon sa ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Education (DepEd) at mga piling malls gaya ng Robinsons at SM.

Mga kwalipikado

Ang mga kwalipikadong mag apply dito ay ang mga miyembro ng GSIS na may “good standing record”. Ito ay iyong walang utang o mga nagbabayad ng utang sa takdang panahon. Hindi maaaring mag-apply iyong mga naka leave na hindi sumasahod, may mga hindi nabayarang kontribusyon sa insurance, mayroong hindi nabayarang loan ng hanggang anim na buwan.

Mga Miyembro Ng GSIS, Maari Nang Mag-Apply Ng COVID-19 Emergency Loan 3

Dapat din na ang naiuuwing sahod ang miyembro kada buwan ay umaabot sa P5,000 pagkatapos itong makaltasan ng iba pang naunang loan. Ang mga pensyonadong senior citizen at mga persons with disabilities (PWDs) naman ay dapat na mayroong 25% na natitira sa kanilang pensyon pagkatapos mabawasan ng ibang bayarin sa loans.

Ito ay para masigurado na mayroon pang matitira sa mga miyembro at pensyonado kapag nagsimula na silang magbayad ng kanilang utang.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: