Press "Enter" to skip to content

Mga Nagpoprotesta Sa Cebu Laban sa Anti-Terrorism Bill, Arestado

Last updated on June 9, 2020

CEBU CITY, Philippines – Inaresto ang 8 taong nagproprotesta  laban sa  anti-terrorism bill noong Biyernes,June 5. Isa dito ay bystander. Nag simula  ang protesta  bandang 10 am hanggang dinakip sila ng mga naka full battle gear na pulis at SWAT team at inaresto dahil sa paglabag sa batas na nagbabawal ng mass gathering sa ilalim ng GCQ, ayon sa Cebu City police.

Labag Sa batas

Dadalhin sa  CCPO headquarters at Camp Sotero Cabahug ang mga inaresto para sampahan ng kaso, ayon kay Police Lieutenant Colonel Melbert Esguerra, deputy director for administration of the Cebu City

Mga Nagpoprotesta Sa Cebu Laban sa Anti-Terrorism Bill, Arestado 2
Photo Credit: CEGP Cebu / FB

Hanggang sa kasalukuyan, walang na-ihaing kaso sa mga nagproprotesta. Samantala, kinompirma ng Bayan Central Visayas na ang 7 sa mga na aresto ay kanilang kasamahan sa Cebu at sinabing may mga minors na kasama nito. Sa mga naunang report, isa si Dyan Gumanao, a community organizer and a reporter for ANINAW Productions, a local affiliate of AlterMidya – People’s Alternative Media Network.

Bawal Ang Media, Hinahabol Ng Pulis

Hindi naman pinayagan ang media na kausapin ang mga na aresto noong bandang 12 ng tanghali pero kinalaunan ay pinahintulotan din ito. Nasa videos na mayroong mga naka sibilyang pulis sa loob ng unibersidad na hinahabol ang ilang mga estudyante. Nakita rin sa video ang security guard habang nanonood sa natukoy na habulan.

Matatandaan na sa ilalim ng Soto-Enrile accord of 1982, the Philippine National Police (PNP) and Armed Forces of the Philippines (AFP) ay hindi pinapayagan sa loob ng pamantasan sa lahat ng mga UP campuses na walang pahintulot galing sa pamunuan maliban lamang kung ito ay may hinahabol o a-arestuhin na mga suspect na criminal

Walang Nilabag

Itinanggi naman ni Brigadier General Albert Ferro, Central Visayas’ police director, na may nilabag ang mga pulis sa naturang kasunduan kasi ayon sa kanila, hinahabol nila  o nasa hot pursuit sila sa mga aktibista sa loob ng unibersidad.

Ang tinatawag na “Hot pursuit” ay pinapayagan ang pag a-aresto kahit walang kaututsan sa pag aresto galing sa korte sa kadahilanan na ang isang tao ay patuloy na gumagawa ng isang krimen, dagdag ni Ferro.

Mga Nagpoprotesta Sa Cebu Laban sa Anti-Terrorism Bill, Arestado 3
Photo Credit: Inquirer

Ang mga nahuli ma-aring haharap sa kaso sa pag labag ng; 1. Batas Pambansa 880, a Marcos-era law na nangangailang ng Permit sa Pag Rally, 2.) Pag Labag sa kautusan ni Mayor Edgar Labella’s Executive Order No. 079 , at 3.) pag labag sa Republic Act 11332 Section 9 (e) kung saan may naka saad na ang hindi pag cooperate sa mga ahensya sa panahon ng Pandemia.

Di Tutol Sa Protesta

Wala raw silang problema sa pagproprotesta kung nasa normal lang ang sitwasyon ngunit diin ni Ferro na ang pag tipon-tipon ng mga aktibista ay labag sa GCQ guidelines at nalagay  ang mga mamayan ng Cebu sa panganib sa dahilan na maaring sila ay mahawa at maaring makakahawa ng virus.

Ang anti-terror bill, ay aprobado sa sa House of Representatives noong Huwebes at sa senado. At ito ay inulan ng batikos mula sa human rights groups at concerned citizens, at nag babala na ang batas ay masyadong nagpapalawak at nagbigigay ng kapangyarihan sa Pangulo at maaring ma dulot ng abuso.

Militarisasyon Na Estilo

Madiin namang tinututulan ng The College Editors Guild of the Philippines ang pag aresto ng mga estudyante at sinabi na ang estilo ng pamngulo at military ay gumagamit ng militaristic approach sa sitwasyon imbes na sa pakiknig sa mga hinaing ng mga tao. Ang UP Office of the Student Regent (UPOSR) ay nanawagan din sa pagpapalaya sa mga estudyante. Ayon sa kanila ito ay malinaw na ang gobyerno ay tinitira ang mga kritikal ng mga tao na nagsisilbing boses sa mga nakakarami. Dagdag nila, kung patuloy na ang nasa kapangyarihan ay hindi napapatawan ng kaukolang kaso sa mga ginagawa nito ay lalong dadami ang pag aresto sa mga katulad nila.

Dagdag pa nila,

“Duterte’s police and military are using militaristic approach instead of heeding the people’s demands.”The College Editors Guild In The Philippines. This clearly manifests how the systemic targeting of critical voices is prevalent everywhere. When those in power are not even held accountable, students like ours who are only echoing the public’s sentiments are those who are handcuffed and silenced.”

May mga 27 protesters pa ang nasa loob ng unibersidad habang naka poste sa Gorodo Avenue ang mga pulis at maaring sampahan ng paglabag sa GCQ kung lalabas ang mga ito.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: