Mga Netizens, Naawa Kay Lola Ngunit Nainis Kay Idol Raffy Sa Kanyang Pagsoplang Sa Complainant

Kalunos-lunos ang lagay ng isang 96 taong gulang na lola nang nagpasya siyang dumulog sa himpilan ni Idol Raffy Tulfo. Si Lola Fidela Dioniso ay pumunta sa studio kasama ng kanyang apo upang magpatulong na mapaalis nalang sana ang kanyang anak sa tinitirhan nila dahil wala naman na daw itong pakialam sakanya at pinapabayaan siya.

Anak na suwail

Ayon sa apo ni lola na si Joshua Vera, nais daw sana ni Lola Fidela na mapalayas na ang natitira niyang anak na si Ricardo Dionisio na nakatira sa bahay na tinitirhan niya. Ayon kay Joshua, kapag silang mga apo ay bumibisita sa lola niya upang dalhin ito sa hospital o dalhan ng pagkain, nagagalit daw tong anak ni lola.

Dagdag pa ni Joshua wala daw tubig at kuryente ang tinutuluyang kwarto ni lola kahit maayos naman at may pasilidad ang sa kanyang anak.

Dismayado si Idol

Tinawagan ni Idol ang barangay chairman sa tinitirhan ng matanda at napagalaman na barangay tanod pala itong anak ni lola. Subalit nang nalaman ni Idol na hindi na pala doon nakatira ang lola, at mukhang nagiging away lang ng paupahan ang habol ng mga apo, nadismaya ito kay Joshua at pinaratangan itong nagsinungaling.

Ayon naman kay Joshua, kaya naman hindi na nakatira si lola sa kanyang bahay ay dahil kinupkop ito ng ate niya dahil nga umano sa pagmamaltrato ng tiyo nila.

Ang tunay na lagay

Matapos nito, kinausap na ng diretso ni Idol si lola. Napagalaman niya na mayroon palang pera si lola sa kanyang anak upang ipagawa ang bahay na pinaparentahan nila subalit hindi ito ginawa ng anak niya. Nalaman din ni Idol na talagang doon nakatira ang matanda, at si Ricardo ang kumukuha ng lahat ng pera galing sa parentahan nila.

Nagpasya si Idol na samahan nalang sa kanilang barangay si lola kinabukasan.

Pagkatapos kausapin si lola, sinermunan ni Idol si Joshua at sinabihan na wag magsinungaling sa susunod. Hindi ito nagustuhan ng ibang netizens, at sana daw ay magsorry si Idol bukas.

Panoorin ang usapan nila dito:

Source: YouTube