Press "Enter" to skip to content

Mga OFW Na Bagong Dating Sa Cebu, Nag Positibo Sa Covid-19

Naitalang 13 overseas Filipino workers (OFW) ang dumating sa Cebu City na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19. Ito ay matapos silang mag-negatibo sa isinagawang rapid test sa kanila sa Maynila.

Stranded na seafarers

Ang naturang 13 OFWs ay ilan lamang sa 328 seafarers na stranded sa Maynila. Sila ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makauwi sa kani-kanilang lalawigan sakay ng “mercy voyage”.

Ayon sa ulat, ang mga OFW ay isinailalim na at nag-negatibo sa Rapid Diagnostic Test nang dumating sa Maynila. Pero nang suriin sa Polymerise Chain Reaction (PCR) test sa Cebu ay nagpositibo na sa COVID-19.

Mga OFW Na Bagong Dating Sa Cebu, Nag Positibo Sa Covid-19 2
Photo credits to Abante

Nauna nang nagsabi ang Department of Health (DOH) na ang Rapid Diagnostic Test ay maaring maglabas ng false negative results.

Mandatory quarantine

Nabatid sa Provincial Health Office (PHO ) na walo sa 13 na OFWs ay pawang mga residente ng Cebu City. Ang natitirang lima ay taga-Poblacion, Liloan; Looc, Danao City; Sacsac, Consolacion; Colon, City of Naga; at Barangay Maya, Daanbantayan.

Cebu
Photo credits to CNN Philippines

Sasailalim ang mga infected OFWs sa mandatory 14-day quarantine sa isang hotel sa Cebu City at sinigurong hindi muna pababalikin sa kanilang pamilya.

Walang dapat ipangamba

Sa isinagawang press conference ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, tiniyak niya sa mga residente na walang dapat na ipangamba.

Dahil hindi pa naman nakakarating sa kanilang mga bahay ang nasabing mga Pinoy workers mula ng dumating ang mga ito sa Maynila noong Abril 28.

Mga OFW Na Bagong Dating Sa Cebu, Nag Positibo Sa Covid-19 3
Photo credits to Pukkable

“There was no interaction between the returning OFWs and the community yet,” ayon kay Garcia.

Marami pang darating

Nabatid na sa MV St. Michael ng 2Go Shipping sumakay ang 328 Filipino overseas seafarers na na-stranded sa Maynila.

Pinayagan sila na makabalik sa kanilang bayan ng IATF at maisakay sa “mercy voyage” na maghahatid sa kanila sa Cebu, Dumaguete, Ozamiz, Iligan, at Zamboanga.

Mga OFW Na Bagong Dating Sa Cebu, Nag Positibo Sa Covid-19 4
Photo credits to Vessel Finder

Sinabi ni Gov. Garcia na may mga susunod pang batches ng OFWs ang darating sa Cebu at isasailalim din sa PCR test at mandatory quarantine.

Source: INQUIRER

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: