Press "Enter" to skip to content

Mga OFW Sa Riyadh Na Nangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain, Padadalhan Na Ng Ayuda Mula Sa OWWA

Matapos manawagang muli ng tulong ang ilang mga OFW sa Riyadh, Saudi Arabia na piniling mangalkal sa basurahan upang maitawid lamang ang kumakalan nilang sikmura, ang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nangakong padadalhan sila ng tulong mula sa gobyerno.

Ang kanilang muling panawagan

Sinabi ng OFW na si Reynan Bancoro, sa panayam ng Unang Hirit nitong Huwebes, may mga kasamahan din sila na humantong na sa punto na magsangla ng passport at magbenta ng kanilang cellphone para matugunan nila ang pangangailangan sa araw-araw.

Mga OFW Sa Riyadh Na Nangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain, Padadalhan Na Ng Ayuda Mula Sa OWWA 2
Photo Credit: GMA News

Ani ni Bancoro,

“Karamihan po sa amin dito, ang mga cellphone naibenta na, pati po dumating sa punto mga passport kailangan na rin pong maisangla para makakuha ng panggastos namin po dito, hanggang sa nangalakal na po kami para lang masuportahan ang aming pang-araw-araw na pagkain”

Makaaasa ang OFW

Nang maitupad ang lockdown sa bansa, 200 silang mga OFW sa kanilang villa ang walang magawa kundi ang huminto sa paghahanapbuhay.

Pahayag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang recruitment agency ng nasabing mga OFW ay mananagot. Ang bagay na ito ay inilapit na sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Mga OFW Sa Riyadh Na Nangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain, Padadalhan Na Ng Ayuda Mula Sa OWWA 3
Photo Credit: GMA News

Tinitiyak din ni Cacdac na makararating ang ayuda para sa mga OFW mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO). Sinabi nito na naantala lang umano ang dapat na paghahatid ng tulong ng POLO sapagkat ilan sa mga tauhan dito ay di inaasahang madapuan ng COVID-19.

Huwag mag-atubiling humingi ng tulong

Ipinangako rin ng opisyal ang tulong sa mga OFW na makabalik nang muli sa Pilipinas at ito’y inaasahan ngayong buwan.

Sinabi ni Cacdac, hindi nila dapat pang alalahanin ang mga pasaporteng nasangla sapagkat maaari naman itong palitan ng travel document. Gayunpaman, kinakailangan pa rin nilang kumuha ng exit visa na manggagaling sa pamahalaan ng KSA.

Mga OFW Sa Riyadh Na Nangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain, Padadalhan Na Ng Ayuda Mula Sa OWWA 4
Photo Credit: GMA News

Sabi ni Cacdac,

“Yung pagpapauwi siyempre nakadepende sa kanilang exit visa kaya yun yung proseso na kailangang pagdaanan,”

Paalala ni Cacdac sa mga OFW na nakararanas din tulad ng grupo ni Bancoro, kailangan lang nilang makipag-ugnayan sa POLO kahit sa pamamagitan ng pag-sulat at padpapadala sa kanilang email.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: