Press "Enter" to skip to content

Mga OFW Sa Saudi, Pinabayaan Ng Employer Matapos Magpositibo Sa Covid-19

Idinaan sa social media ng isang OFW mula sa Saudi Arabia ang hiling na matulungan ito at kanyang mga kasama na dahil pinapabayaan na sila ng kanilang employer. Sa isang video ay sinabi nito,

“Sana po matulungan nyo kami, na hanggat nabubuhay pa kami, wag nyo na hintayin na m4m4tay pa. Pinapabayaan kami ng employer namin.”

OFW

Hangad ni Alvin Benitez na makauwi na ito at ang kanyang mga kasamahan mula sa Saudi bunsod ng pagpapabaya sa kanila ng kanilang employer matapos may magpositibo sa kanila sa covid-19. Ibinahagi ng OFW ang kalagayan nila na kung saan ay sama-sama ang mga ito sa iisang kwarto.

Mga OFW Sa Saudi, Pinabayaan Ng Employer Matapos Magpositibo Sa Covid-19 2

Walong buwan pa lamang na nagtatrabaho bilang pastry chef sa Saudi si Benitez nang pumutok ang isyu ng pagkalat ng covid. Nang ipa-test sila ng kanilang amo ay nagpositibo ito. Ayon kay Benitez, walo silang Pinoy na nagtatrabaho sa isang restaurant.

Sama-sama

Ipinakita din ni Alvin ang accommodation nila na kung saan ay apat silang kapwa Pilipino ang nagsasalo-sa iisang kwarto. Pangamba nila ay baka magkahawaan na sila dahil isa na sa kanila ay may covid-19.

Mga OFW Sa Saudi, Pinabayaan Ng Employer Matapos Magpositibo Sa Covid-19 3

Liban pa sa pagpapabaya ng kanilang employer ay ang hindi anila pagpapasahod nito sa kanila ng tama. Noong Marso ay kalahati lamang ng sahod nila ang ibinigay pati ang food allowance. Pati na din ang sana ay sasahurin nila para sa buwan ng Mayo.

Tulong mula sa gobyerno

Nakarating na sa OWWA ang kalagayan at apela ng grupo ni Benitez. Pangako nito na tutulungan sila at makikipag-ugnayan sa Saudi Health Ministry upang mabigyan ang mga ito ng atensyong medikal.

Mga OFW Sa Saudi, Pinabayaan Ng Employer Matapos Magpositibo Sa Covid-19 4

Dagdag pa riyan, dapat ay mabigyan ng hiwalay na room accommodation ang bawat isa sa kanila upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Makikipag-ugnayan din ang OWWA sa POLO upang maimbestigahan ang employer. Sakaling mapatunayan na may paglabag ito, dapat anila ay managot ito sa batas.

Umaasa

Sa ngayon ay umaasa ang grupo ni Benitez na sila ay matulungan ng OWWA at makauwi na sa kani-kaniyang mga pamilya.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: