Press "Enter" to skip to content

Mga Opisyal Ng Isang Barangay, Dedma Sa Hinaing Ng Isang Nagpapa-blotter

Hindi maiwasan ng isang babae na maiyak matapos lumapit sa kanilang barangay upang sana humingi ng tulong dahil sa pang aagrabyado sa kanyang anak. Subalit laking dismaya niya ng wala ni isang opisyal ang humarap o tumulong man lang sa kanya.

Reklamo

Ayon kay Marge M. Pascua, nais niyang humingi ng tulong sa mga opisyal ng Barangay 600 sa Maynila upang sana ipa-blotter ang di na nakilala pang kaaway ng kanyang anak. Subalit, wala ni isa man sa mga opisyal ang nasa loob ng barangay hall upang sana ay dinggin ang kanyang reklamo.

Mga Opisyal Ng Isang Barangay, Dedma Sa Hinaing Ng Isang Nagpapa-blotter 2

Ayon sa kanya, menor de edad ang kanyang anak at minura ito ng kanyang irereklamo sana subalit mahigit isang oras na siyang nasa barangay hall ngunit walang may gustong humarap sa kanya. Nanggaling na rin umano siya Presinto 8 subalit wala din gustong umasikaso sa kanyang reklamo.

Mga Opisyal Ng Isang Barangay, Dedma Sa Hinaing Ng Isang Nagpapa-blotter 3

Panawagan kay Yorme

Sa sama ng loob dahil sa naagrabyado ang kanyang anak at hindi pa siya makapagpa-blotter ay naiyak na lamang si Marge. Sa kanyang Facebook live, nananawagan siya kay Mayor Isko Moreno na aksyunan ang aniya ay kapabayaan ng mga opisyal sa kanilang barangay.

Mga Opisyal Ng Isang Barangay, Dedma Sa Hinaing Ng Isang Nagpapa-blotter 4

Bandang hapon siya pumunta sa barangay subalit inabot na siya ng gabi ay wala pa rin kumakausap sa kanya. Katwiran umano ng mga opisyal, ipagpabukas na lamang ang kanyang reklamo. Subalit hindi pumayag si Marge na ipagpabukas ito dahil hindi umano tama ang ginawa sa kanyang anak.

Gusto man umano niyang bumalik sa presinto subalit itataboy lang umano uli siya sa barangay upang doon simulan ang reklamo.

Hinaing ng isang ina

Maya maya ay may lumapit na SK official sa kanya upang asikasuhin ang kanyang hinaing. Kinwestiyon niya kung bakit ngayon lang may lumapit sa kanya ngayong nag FB live na siya. Ayon sa di nakilalang SK, may kinuha lang siya kaya hindi nito agad naasikaso ang reklamo ni Marge.

Bilang ina, masakit para kay Marge na malaman na inapi ang kanyang anak kung kaya hindi siya nag-atubiling lumapit sa barangay. Ngunit ang inaasahan niyang tutulong sa kanila ay magdadagdag pa pala ng sama ng loob sa kanya.

Posted by Marge M. Pascua on Sunday, June 7, 2020

Source: Marge M. Pascua

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: