Press "Enter" to skip to content

Mga Ospital Sa Metro Manila Umaaray Na Sa Paglobo Ng COVID-19 Na Pasyente

Ilan sa mga malalaking ospital sa metro manila labis na sa normal na kapasidad na bilang ng COVID-19 na pasyente. Ang iba sa kanila ay direkta ng nag anunsyo na na hindi na muna tatanggap ng mga COVID-19 na pasyente . Habang ang iba naman ay pinayuhan na ang mga magpapa confine na sa ibang ospital na muna pumunta. 

Paglobo ng bilang

Mula ng dumami ang naapektuhan  ng virus na COVID-19 ay naging abala na ang mga iba’t-ibang ospital sa pag monitor ng mga taong may sintomas ng sakit. Mula sa mga Person Under Monitoring hanggang sa mga nag positibo na sa sakit ay tinututukan ng mga nasa medical field. 

Mga Ospital Sa Metro Manila Umaaray Na Sa Paglobo Ng COVID-19 Na Pasyente 2

Sa kasamaang palad, habang tumataas ang bilang ng mga kumpirmadong may COVID-19, patuloy naman ang pagbaba ng bilang ng mga medical personnel na maaaring gumamot sa mga pasyente. Dahil sa expose ang mga doktor at nurse sa mga pasyente, hindi maiwasan na mahawahan ang iba sa kanila. Kung kaya naman ang mga dating nag aasikaso sa mga may sakit, ngayon ay pasyente na rin. 

Pasaway na pasyente

Dagdag pa ng mga doktor, kaya sila nahahawahan ay dahil hindi nagsasabi ang iba ng tunay nilang kalagayan. Ang iba ay hindi nagsasabi ng totoo sa kanilang travel history at ang iba naman ay itinatanggi ang mga sintomas na nararamdaman. Hindi lamang isa kundi maraming medical staff ang maaapektuhan sa tuwing mangsisinungaling ang mga pasyente.

Isa pa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga ospital ay kakulangan sa mga pasilidad at espasyo para sa mga lumolobong bilang ng mga pasyente.Kung kaya naman hindi maiwasan na kapusin sa kakayanan ang ibang ospital sa pag asikaso ng mga pasyente.

St Luke’s

Kanina March 24, naglabas ng opisyal na pahayag ang St. Luke’s Medical Center na hindi na sila tatanggap ng COVID-19 na pasyente ang Quezon City at Global City branch. Ito ay dahil umano sa lumabis na sa normal na kapasidad ang bilang ng mga hawak nilang COVID-19 patients. 

Mga Ospital Sa Metro Manila Umaaray Na Sa Paglobo Ng COVID-19 Na Pasyente 3

Sa ibinigay na datos ng St Luke’s, nasa 48 na positibo sa nasabing virus ang hawak nila ngayon. Bukod pa roon, mayroon pa silang 139 na PUI na minomonitor. Problema ito ng ospital dahil 592 na sa kanilang frontline health workers  ang mga nasa 14-day quarantine na din. Dahil dito halos paralisado na halos ang kanilang workforce.

The Medical City

Samantala, nagbigay din ng abiso ang ospital ng The Medical City na kung maaari ay sa ibang ospital na muna dalhin ang ibang pasyenteng darating. Sa pahayag ng TMC, nahihirapan na ang mga medical workforce nila dahil bukod sa dumadaming bilang ng pasyente ay kulang na sila sa staff. Sa kasalukuyan, nasa 137 na ang bilang ng kanilang frontliners ang naka quaratine na rin.

Mga Ospital Sa Metro Manila Umaaray Na Sa Paglobo Ng COVID-19 Na Pasyente 4

Sabi ng TMC, hindi nila nais na itaboy ang mga darating na pasyente, ngunit hindi na nilang kayang ibigay ang serbisyong nararapat para sa mga ito dahil sa dami ng pasyente nilang may COVID.

Latest update

Sa ngayon, nasa mahigit 552 na ang bilang ng nag positibo sa COVID-19, 20 dito ay magaling na. Ang bilang naman ng nasawi ay 35 na habang 606 naman ang PUI.  Dasal ng lahat na matapos na ang kalbaryong dala ng naturang virus.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: