Press "Enter" to skip to content

Mga Paaralan Na Mayroong Mga Kagamitan Para Sa Blended Learning, Dadagdagan!

Ang mga paaralan na may kagamitan tulad ng mga kinakailangan para sa komunikasyon at pagpapalaganap ng impormasyon na makakatulong sa darating na pasukan ay dadagdagan, ito ay ayon kay President Rodrigo Duterte noong Lunes. Ito ay upang magbigay suporta sa programa ng Department of Education (DepEd) na kung saan gagamit ng blended learning.

Ang naging pahayag

Mula sa ikalimang SONA ng Presidente noong Lunes, kanyang ipinahayag na dapat nilang ipatupad ang online learning, modular learning, at paggamit ng radyo at telebisyon para sa mga estudyante na may kakayahang gamitin ang mga ito. Dagdag pa niya, ang DepEd ay magbibigay ng mga module para sa mga estudyante na hindi kayang mag-online.

Mga Paaralan Na Mayroong Mga Kagamitan Para Sa Blended Learning, Dadagdagan! 2
Photo Credit: Wikipedia

Ito ay kanilang ipapatupad upang maging handa ang mga paaralan para sa mga susunod na buwan. Ang DepEd at DICT ay nagsisimula nang magpatayo ng tinatawag na Public Education Network o PEN, ito ay makakatulong upang magkaroon ng koneksyon ang mga pampublikong paaralan at ang mga tanggapan ng DepEd sa buong bansa.

Iba pang gagawin

Para sa mga paaralan sa malalayong lugar o mga lalawigan na walang supply ng kuryente sinigurado ni Presidente Duterte na uunahin sila ng gobyerno. Ito ay gagawin nila sa pamamagitan ng satellite at pagkakaroon ng mga kagamitan na napapagana gamit ng solar panel.

Mga Paaralan Na Mayroong Mga Kagamitan Para Sa Blended Learning, Dadagdagan! 3
Photo Credit: Philippine Star

Ang TV Frequency na ibabalik ng gobyerno ay para lamang sa layuning pang-edukasyon, ang mga ito ay dapat walang sagabal at interapsyon dahil ito ay para sa maayos na pag-aaral ng isang bata at sa paggamit ng e-learning.

Mga Paaralan Na Mayroong Mga Kagamitan Para Sa Blended Learning, Dadagdagan! 4
Photo Credit: CNN Philippines

Ipinahayag din ng Presidente na hindi niya papayagan ang pagkakaroon ng face-to-face sa mga klase dahil ang bansa ay may hinaharap pa na pandemya. Ito ay maaari lamang magyari kapag mayroon nang makukuhang bakuna para sa sakit. Kaya sa kasalukuyan, ang mga paaralan ay lumipat muna sa blended learning.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: