Press "Enter" to skip to content

Mga Paliparan Na Kasama Sa GCQ Areas, Dapat Ng Buksan Ayon Sa DOTr

Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at iba pang airport authorities.

Nais ng kalihim na ikunsidera na ng airport authorities ang pagbubukas ng mga paliparan sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ).

Domestic tourism

Ibinaba ng kalihim ang kautusan sa pulong kasama ang DOTr Air Sector noong April 30 sa pamamagitan ng video conferencing.

Ayon sa kalihim, ang pagbubukas ng mga piling airports ay magbibigay-daan para makapagsimula nang mag-operate ang mga commercial airlines.

Sa ganitong paraan din aniya, masisimulan na ang isinusulong na domestic tourism sa bansa.

Tugade - DOTr
Credits: Radio Inquirer

“The reopening of airports in GCQ areas to commercial aviation will gradually jump-start airline operations now hard hit by the COVID-19 pandemic. This will plant the seeds for domestic tourism. This should seriously be considered,” ani Tugade

Inter-island flights

Sinabi naman ni CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco na mayroon ng air route network ang mga airline company sa Visayas at Mindanao.

Maaari aniyang magamit ito anumang oras sakaling ipabalik na ang operasyon.

Sydiongco - DOTr
Credits: DOTrPH

“Some airlines are readily capable of mounting inter-island flights to serve communities from one GCQ area to another GCQ area using the inter Visayas and/or Inter Mindanao air routes,” ayon pa kay Sydiongco.

Hub and spoke

Dagdag pa ni Sydiongco, ang nasabing practice aniya ay kilala sa aviation sector bilang “Hub and Spoke” model.

Sa ilalim nito, maaaring magamit ng air carriers ang regional airports bilang alternative hubs habang ang ibang airports ay sarado at hindi pa makapag-operate ng regular.

Ayon pa kay Tugade, “We want to operationalize this approach before the end of next week, but of course without compromising health and safety protocols set by the IATF and the Department of Health. Pag-iisipan namin kung paano ito maisasagawa ng maayos at mabilis.”

Philippine Airports - DOTr
Credits: Pinterest

Una na ring inihayag ni Tourism Secretary Bernadeth Romulo-Puyat na ang pagsusulong sa domestic tourism ang magiging daan para makabawi ang sektor mula sa mga pagkalugi na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: