Press "Enter" to skip to content

Mga Pamilya Sa Parañaque Na Hindi Pa Nabibigyan Ng Tulong Pinansyal, Nakatanggap Na!

Ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Parañaque ay nagsimulang nang bigyan ang nasa 50,000 na mga pamilya na hindi pa naabutan ng ayuda simula pa noong Marso. Sila’y nagbigay ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000.

Ang ayudang ibinibigay

Simula pa noong mailagay ang bansa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), namahagi na ng tulong pinansyal o ayuda ang mga lokal na pamahalaan sa kani-kanilamg mga nasasakupan. Ngunit meron pa ring hindi pa naabutan simula palang noong nangyari ang pandemya,at nabibilang dito ang mga pamilya mula sa Parañaque na simula Marso ay hindi pa nabibigyan.

Mga Pamilya Sa Parañaque Na Hindi Pa Nabibigyan Ng Tulong Pinansyal, Nakatanggap Na! 2
Photo Credit: Philstar

Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa programa na 24 Oras, ang makakatannggap ng nasabing tulong pinansyal o ang tinatawag na PARAÑA-CASH  ay ang mga hindi pa nakakuha ng ayuda mula sa gobyerno tulad ng Social Amelioration Program (SAP) at iyong mula sa Department of Labor and Employment.

Sa kasalukuyan, ang ayuda ay hindi na binibigay ng personal o face-to-face, ito ay ginagawa na sa paraang digital na kung ang mga pamillya ay binibigayn ng ATM at makukuha sa malapit na bangko o sa bank on wheels, sa pamamagitan nito ay naiiwasan ang pagkalat ng sakit na COID-19.

Mga nabigyan

Isa sa mga nakatanggap ng tulong pinansyal ay ang senior citizen na si Wilfredo Babejes. Si Wilfredo ay isang barbero na nahinto sa trabaho buhat ng community quarantine, siya ay may apat na anak at ang asawa niya naman ay hindi rin makahanap buhay dahil ito ay may sakit.

Mga Pamilya Sa Parañaque Na Hindi Pa Nabibigyan Ng Tulong Pinansyal, Nakatanggap Na! 3
Photo Credit: GMA Network

Ayon kay Wilfedo, makakatulong ang ayudang ibinigay dahil makakabili ang pamilya niya ng pangangailangan sa araw-araw. Masakit ang nararamdaman niya ngayon sa nangyayari dahil nag-aalala siya sa magiging kalagayan nila sa mga susunod na araw at dahil wala siyang inaasahan na pagkukunan ng pera.

Iba pang batas

Maliban sa community quarantine na dapat sundin, kailangan rin sumunod sa curfew ng lugar, mula 8 ng gabi hanggang 5 ng umaga at may liquor ban. May checkpoint din na ginagawa kung saan dapat makakapagpakita ng quarantine pass ang mga lalabas, at para naman sa wala nito maaari silang magpakita ng company ID.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: