Press "Enter" to skip to content

Mga Pamilyang Nakatanggap Ng Tulong Pinansyal Mula Sa Gobyerno, Nasa 72% Na!

Mula sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), lumabas ang resulta na 72% ng Pilipino ang sumagot na ang kanilang pamilya ay nakatanggap na ng “money-help” o tulang pinansyal mula sa gobyerno simula pa noong nagsimula ang pandemya.

Ang ginawang survey

Tinatayang pito sa sampung mga pamilya na ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno, ito ang lumabas na resulta mula sa survey na isinagawa ng SWS. Ang nasabing survey ay nagsimula noong Hulyo 3 at nagtapos ng Hulyo 6, at lumabas na 72% na mga pamilya sa parehong sa lungsod at sa probinsya naninirahan ang natulungan ng gobyerno.

Mga Pamilyang Nakatanggap Ng Tulong Pinansyal Mula Sa Gobyerno, Nasa 72% Na! 2
Photo Credit: Business World

Ang survey ay nilabas noong Linggo, bago ang araw ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng Presidente. Ayon sa resulta, lumalabas na pinakamaraming pamilyang nakakuha ay mula sa Metro Manila na nasa 85%, sa ibang lugar sa Luzon ay 75%, sa Mindanao ay 65%, at sa Visayas naman ay 64%.

Iba pang datos

Mula rin sa resulta, pinapakita na mas maraming mga babae ang sumagot kaysa sa mga lalaki, na kung saan 75% ay mga babae at 67% naman ang mga lalaki. Mas maraming pamilya ang hindi nakatapos ng pag-aaral ang nakatanggap ng tulong pinansyal.

Mga Pamilyang Nakatanggap Ng Tulong Pinansyal Mula Sa Gobyerno, Nasa 72% Na! 3
Photo Credit: Wikipedia

Mula sa mga nakakuha ng tulong pinansyal galing sa gobyerno, lumabas na 71% na mga pamilya ang hindi nakapagtapos ng elementarya, 75% ang nakatapos ng elementarya, ang mga nagtapos ng junior highschool ay nasa 77%, ang mga nasa kolehiyo naman ay umabot ng 71%, at ang mga nakapagtapos ng pag-aaral ay nasa 58%.

Ginamit sa pagsagot

Ang survey na pinangunahan ng SWS ay naisagawa sa pamamagitan ng pagsagot gamit ang cellphone at panayam gamit ang computer-assisted na telepono, umabot sa 1,550 na mga Pilipino sa buong bansa ang sumali at nasa edad ng 18 na taon gulang pataas.

Mga Pamilyang Nakatanggap Ng Tulong Pinansyal Mula Sa Gobyerno, Nasa 72% Na! 4
Photo Credit: CNN

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layunin nilang makumpleto sa pagtatapos ng buwan ang pamamahagi ng pangalawang tranche ng tulong pinansyal mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Social Amelioration Program. Noong Hulyo 22, ayon sa DSWD umabot na ng P22.7 billion ang naibigay sa halos 3.7 million na mga benepisyaryo sa ilalim ng pangalawang tranche ng Social Amelioration Program.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: