Pinaghuhuli ng mga awtoridad ang mga pasaway sa Digos City. Sa unang araw ng GCQ sa kanilang lugar ay umabot na ito sa 1,000 katao ang mga lumabag.
Under GCQ
Kamakailan lamang ang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force o IATF ang listahan ng mga lugar na aalisin under ECQ. At mula noong Mayo 1, ay kabilang na sila sa General Community Quarantine o GCQ.

Kabilang ang Digos City, Davao del Sur na mapapasailalim sa GCQ. At tulad ng ECQ, ito ay may mga protocol din na dapat sundin. Isa na rito ang pagsuot pa rin ng face mask at pagkakaroon ng social distancing. Maraming mga bagay na dapat isaalang-alang kahit na nasa GCQ ang isang lugar.
Umabot ng 1,000
Noong Mayo 1, unang araw sa pagpapatupad ng GCQ sa Digos City, ay umabot na agad sa 1,000 ang nahuli dahil sa mga paglabag. Nakakaalarma kasi sa unang araw pa lang palpak na, paano na lang kaya sa mga susunod na araw?

Ang mga pasaway na pinaghuhuli ng mga pulis ay ‘yung hindi man lang nagsuot ng face mask sa paglabas at hindi rin pagdala ng kanilang mga quarantine pass. Hindi na rin nasunod ang mga pagkakaroon ng distancing. Ang mga nahuli ay dinala sa Digos gym para i-seminar sila sa mga protocol na meron sa GCQ.
Akala siguro ng mga tao na porket naka GCQ na ay pwede ng ibalik ang dating normal. Pero hindi naman na tayo magiging normal ulit habang meron pang COVID19. Ang kaibahan lng ng ECQ sa GCQ ay may mga establisyemento na pwede ng buksan at maaari na rin magbalik operasyon ang ibang mga transportasyon.
Wag na kayong pasaway
Sa nangyari sa Digos City, maaaring mabalik sa ECQ ang kanilang lugar kung hindi sila susunod at patuloy na lumabag. Dahil kung hindi sila susunod sa mga protocol baka isang araw ay magkaroon ulit ng maraming positibo sa kanila.

Maisip sana ng mga taong ito kung gaano sila kaswerte at under GCQ na sila, ibig sabihin konti na lang sa lugar nila ang mga positibo sa virus. Samantalang ‘yung nasa ilalim pa ng ECQ, sobrang nagtitiis na maglakad patungo sa palengke o botika kasi walang masakyan.
Nakakalungkot lang isipin na may mga tao talagang hindi kayang sumunod kahit sa mga simpleng guidelines na pinapatupad. Kung tutuusin hindi naman kung sino lang ang maaapektuhan nito kung magpapabaya tayo. Lahat tayo dito sa Pilipinas ang magsasakripisyo. Kaya mas mabuting magtulungan tayo para sa mabalik na sa normal ang lahat.
Be First to Comment