Valenzuela, Philippines- Umabot sa P500M ang halaga ng mga pekeng produkto ang nasabat ng Bureau Of Customs o BOC nito lamang Sabado. Kasabay nito ay nagbigay din ng babala ang nasabing kagawaran sa mga nag-iimport ng mga produkto sa bansa.
Pagsira sa mga produkto
Sa pamamagitan ng facebook live na may kasamang physical ceremony isinagawa ang pagsira sa mga nasabing pekeng produkto na nagkakahalaga ng P500M nitong Sabado Agosto, 8.

Ito ay ginanap sa waste management facility sa lungsod ng Valenzuela City at ayon sa customs ang mga sinirang counterfeit na produkto ay dati nang nasamsam dahil sa pagtutulungan ng BOC s Customs Intellegence, Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Services (ESS).
Mga kumpanyang dumalo
Ang pagkodenang ginawa ay alinsunod sa Section 1146 ng Republic Act No. 10863 na kilala bilang Customs Modernization and Tarrif Act o (CMTA). Ang mga nakasaksi at dumalo sa nasabing pagsira sa mga pekeng produkto ay si POM District Collector Michael Angelo Vargas, BOC Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla at IPOPHL Deputy Director General Atty. Teodor Pascua.

Ayon pa din sa BOC ay naroon din umano ang ilang kinatawan ng mga kumpanya na napeke ang produkto kasama ang Brand Law Firm, at brand owners na Uniliver, Prada at Gucci.
Babala sa mga importer
Samantala, tiniyak naman ni Port of Manila District Collector Michael Angelo Vargas na patuloy na magiging mapanuri ang kanilang tanggapan kaugnay sa pagpapasok ng mga ipinagbabawal at illegal na produkto gaya ng kanilang mga nasamsam.

Nangako din ang Bureau of Customs na magiging bukas sila sa pagsasagawa nila ng mga operasyon at nagbabala pa ito sa mga mag-iimport ng mga produktong lumalabag sa intellectual property laws. Kalaunan ang mga sinirang produkto ay inalis sa pabor ng gobyerno alinsunod sa ilalim ng batas Section 1113 at 118 ng CMTA.
Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.
Source: GMA News
Be First to Comment