Press "Enter" to skip to content

Mga Pinoy Sa Russia Handang Sumubok Sa Sputnik V Clinical Testing, Kaligtasan Nasisiguro Nga Ba?

Kahit pa maraming mga kumukuwestyon sa kaligtasan ng kauna-unahang inaprubahang COVID-19 vaccine mula sa Russia, marami paring mga manggagawang Pilipino sa bansang Russia ang nais lumahok sa gagawing clinical testing ng nasabing adenovirus vector-based vaccine.

“Sana ito’y epektibo”

Ayon sa isang ulat sa 24 Oras nitong ika-12 ng Agosto, Miyerkules, sinabi ng pinuno ng asosasyong Pilipino sa Russia na si Nico Castor, handa aniya siyang lumahok sa mga clinical testing para sa bakuna ng COVID-19.

Mga Pinoy Sa Russia Handang Sumubok Sa Sputnik V Clinical Testing, Kaligtasan Nasisiguro Nga Ba? 2
Photo Credit: GMA News

Aniya,

“Sa kaba po, siguro mayroon pero mas higit po ‘yong excitement siguro. Nananalangin po ako na sana ito’y epektibo,”

Habang ang ilang mga OFW ay nag-iingat at nangangamba sa posibleng epekto ng bakuna, may mga nagsasabi pa rin na  nagtitiwala sila na magiging epektibo ang Sputnik V.

1,000 Filipinos to join vaccine clinical trial if PH, Russia ...
Photo Credit: CNN Philippines

Sabi ni Castor,

“Sabi taon bago madiskubre ang bakuna sa isang sakit pero alam naman ho natin na isa ang Russia sa pinakamagaling, dalubhasa pagdating sa pagdiskubre ng bakuna para sa malubhang sakit,”

Tiwala para sa bakuna

Kabilang sa mga naniniwala sa Sputnik V ay si Aimee, Pilipino sa Russia, na nagsabing handa rin siyang maisama sa mga testing.

Pahayag niya,

“Makagawa ng solusyon sa lumalaganap na coronavirus at willing ako na sumailalim sa trial kung kinakailangan,”

Mga Pinoy Sa Russia Handang Sumubok Sa Sputnik V Clinical Testing, Kaligtasan Nasisiguro Nga Ba? 3
Photo Credit: GMA News

Nauna na rito ang pahayag na inilabas ng Malacañang at sinabing handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Russia sa paglaban sa virus na COVID-19.

Ipinahayag ito nang sinabi ng Russia noong nakaraang linggo na magbigay sila ng mga COVID-19 vaccine sa Pilipinas. Ito rin ay matapos imungkahi na magsagawa ng mga clinical testing at magtayo ng isang hub para sa produksyon ng bakuna sa bansa.

Mga Pinoy Sa Russia Handang Sumubok Sa Sputnik V Clinical Testing, Kaligtasan Nasisiguro Nga Ba? 4
Photo Credit: GMA News

Tugon ng pamahalaan

Sinabi ng Palasyo sa pamamagitan ng Office of the Presidential Assistant on Foreign Affairs, ang bansa ay handang makipag-isa sa Russia para sa mga pinaplanong clinical testing.

“The Philippines stands ready to work with Russia on clinical trials, vaccine supply and production, and other areas deemed practicable by relevant Philippine and Russian agencies to address this global health emergency,”

Sputnik V: Russia Approves COVID-19 Vaccine; Duterte Willing To Be ...
Photo Credit: One News

Noong Martes, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin na ang Russia ay ang unang bansa na naaprubahan sa isang COVID-19 vaccine matapos ang hindi bababa sa dalawang buwan na human testing.

Ang bakuna, na kung saan ay pinangalanang “Sputnik V” ay hinango sa unang satellite ng mundo na inilunsad ng Soviet Union. Gayunpaman, ang bakunang ito ay hindi pa nakukumpleto ang panghuling pagsusuri.

Tumutok lang sa Pinas Balita para sa iba pang nagbabagang balita sa bansa.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: