Press "Enter" to skip to content

Mga Pinoy Seafarers Nakauwi Na Galing Amerika

Nasa 881 ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng chartered flights kaninang umaga, April 1, 2020. Sila ay kabilang sa mga OFW na nagtatrabaho sa mga cruise ships na nastranded sa Amerika dahil sa banta ng corona virus disease 2019 o COVID-19.

Batch mula Amerika

Ang mga nasabing OFW ay galing sa apat na cruise ships na nastranded sa Amerika. Ito ay binubuo ng 445 Norwegian Cruises Dawn at Encore. Samantala, ang 436 naman ay galing sa MV Magica at MV Favolosa.

Mga Pinoy Seafarers Nakauwi Na Galing Amerika 2

Ito ay pangalawang batch na ng mga Pinoy seafarers na narepatriate galing Amerika. Ang una ay ang 444 na Pinoy crew ng MV Grand Princess na dumating sa bansa noong March 15.

Tulong sa OFWs

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola;

“The DFA works with other government agencies and the private sector in this whole of government approach to facilitate the seamless repatriation of our workers,”

Mga Pinoy Seafarers Nakauwi Na Galing Amerika 3

Ang sangay ng DFA sa Washington DC ay nakipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sector para makauwi ang mga nasabing OFW.

Ang mga ahensya ng gobyerno na tumulong sa pagpapauwi ay ang Department of Health (DOH), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Transportation (DOTr), at Department of Interior and Local Government (DILG). Tumulong din ang kani-kanilang mga manning agencies para sa mabilisang pagpapauwi ng mga OFW.

Mga Pinoy Seafarers Nakauwi Na Galing Amerika 4

Sila ay kasama sa mga OFW na makakatanggap ng 200 dollars cash assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay tulong ng DOLE para sa mga OFW na apektado ang trabaho dahil sa COVID-19.

Sasailalim sa Quarantine

Kagaya ng naunang batch ng mga OFW, sila ay hindi pa makakauwi ng deretso sa kani-kanilang pamilya.

Mga Pinoy Seafarers Nakauwi Na Galing Amerika 5

Isasailalim muna sila sa mandatory 14-day facility-based quarantine na imomonitor ng Bureau of Quarantine.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: