Press "Enter" to skip to content

Mga Police Na 15 Days Na Sa Duty, Hindi Man Lang Makauwi Kahit Saglit

Isa sa mga frontliners sa gitna ng laban sa Covid-19 ay ang ating kapulisan. Tulad ng ating mga healthcare workers, sila rin ay halos walang pahinga sa pagroronda, pagbabantay, at pagpapanatili ng kaayusan sa isinasagawang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Walang uwian

Mga Police Na 15 Days Na Sa Duty, Hindi Man Lang Makauwi Kahit Saglit 2

Ibinahagi ng netizen na si Jemmalyn Maminta ang kanyang napag-alaman nang makakausap nito ang isa sa mga frontliner na pulis sa gitna ng laban ng ating bansa sa covid. Habang naghihintay ng kanilang sundo kasama ang kaniyang katrabaho, nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng mga ito ang mga pulis na nakadestino sa kanilang kinatatayuang lugar.

Inaya umano sila ng pulis na saluhan sila sa pagkain na ayon kay Jemmayn ay bakas ang pagod at gutom ng mga ito sa kanilang kasalukuyang misyon. Tanong ni Maminta kung naka-duty ang mga ito at mabilis na nagbahagi ang isang pulis na 15 araw na silanb naka-straight duty.

“15 days na kaming naka-duty maam. Wala pang uwi.”

Napag-alaman din nito na taga-San Fabian lamang ang isang pulis ngunit hindi maaaring umuwi. Gayunman, nang tanungin kung saan nagpapahinga ang mga ito, sinabi ng pulis na sa police station lamang sila nagpapahinga. Aniya,

“Sa police station lang din. Yun ay kung may pahinga pa kami. Kaso diretso duty eh. Taga San Fabian na nga lang kami, di pa makauwi. Kelangan eh.”

Frontline workers

Isang pagsaludo naman ang ipinabatid ni Jemmalyn para sa lahat ng frontline workers na syang nagbubuwis ng kanilang buhay at pagkakataon na makasama ang pamilya sa mga panahong ito.

“Bigla ako nalungkot. Ang sakit marinig. 💔
Salute to all of you! Sobra sobra 😔 Grabeng hirap at sakripisyo para sa ikakabuti ng lahat..
Mapa-pulis, sundalo, frontliners, and sa lahat ng mga healthworkers gaya ko..”

Dagdag pa nito ay isang panalangin ng paggabay mula sa Panginoon para sa mga frontliner sa laban na ito.

“Lord, Bigyan nio po sana sila ng lakas lagi. Be with them. Protect them. Protect us. 🙏”

Source: Facebook Jemmalyn Maminta

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: