Press "Enter" to skip to content

Mga Prutas At Gulay Sa Kadiwa Outlets, Tiniyak Na Pesticide Safe Ng DA

Hindi lamang tinutulungan ng Department of Agriculture (DA) ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng iba’t ibang Kadiwa ni Ani sa Kita outlets sa buong bansa. Tinitiyak din nito sa publiko na ang mga produktong ibinebenta dito ay ligtas sa pesticides.

Pagsisigurong ligtas ang mga binibili

Sabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo,

“We have a rapid test kit in our outlets and anyone can bring sample of fruits or vegetables bought from our authorized outlets and see for themselves the pesticide –  level content of the goods they are buying.”

(Mayroon kaming rapid test kit sa aming outlets at kahit sino ay maaaring magdala ng sample ng mga prutas o gulay na binili mula sa aming mga awtorisadong outlets at makita para sa kanilang sarili ang pesticide content level ng mga produkto na kanilang binibili.)

Mga Prutas At Gulay Sa Kadiwa Outlets, Tiniyak Na Pesticide Safe Ng DA 2
Photo Source: Pilipino Mirror

Si Edillo, sa pagbubukas ng Kadiwa outlet na pinamamahalaan ng DA -Multi-Purpose Cooperative, ay nagsabing ang mga magsasaka at kooperatiba ay sumusunod sa Food Safety Act na kung kaya ang mga mamimili ay tinitiyak na ligtas ang mga prutas at gulay.

Pagsusuri sa mga produkto

Ang mga produkto bago makaabot ang mga Kadiwa outlet ay sinusuri mismo sa pinagmulan (bukid) sa pamamagitan ng Integrated Laboratory and Regulatory Division ng DA.

Habang ang departamento ay nagpapatuloy sa malawakang information drive sa food safety, hinikayat din nito ang mga local government unit na magkaroon ng kanilang sariling pesticide rapid test kit upang maprotektahan ang kalusugan ng kanilang mga nasasakupan.

Batay sa pagsusuri ng Cagayan Valley Integrated Agricultural Laboratory (CVIAL), mayroong ilang mga produkto na may mataas na pesticide content.

Paglikha ng ordinansa

Noong Disyembre ng nakaraang taon, tinipon ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang mga vendor at supplier na nakikipagtrade at nagbebenta ng mga prutas at gulay kabilang ang mga may-ari ng supermarket at groseri, pati na rin mga ambulant, transient, itinerant at push cart vendors.

Mga Prutas At Gulay Sa Kadiwa Outlets, Tiniyak Na Pesticide Safe Ng DA 4
Photo Source: Rappler

Ito ay para sa isang pampublikong pagdinig para sa paglikha ng isang ordinansa na kinokontrol ang pagpasok ng pesticide-contaminated na mga prutas at gulay sa loob ng Tuguegarao City.

Inutos din ni Soriano ang pagkuha ng test kit na ang mga prutas at gulay na hindi pumasa sa pesticide levl content ay hindi papayagang makapasok sa lungsod.

Kasama sa ordinansa ay ang pagtatatag ng tatlongentry posts sa barangay Namabbalan Sur, Carig Norte at Buntun upang ipatupad ang Rapid Test Kit (RTK) analysis, isang pagsusuri para sa pesticide residue ng mga prutas at gulay bago ito payagan na makapasok ang siyudad.

Source: Philippine Information Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: