Press "Enter" to skip to content

Mga Residente Ng Boracay Pinayagan Nang Maligong Muli Sa Beach, Sa Ilang Kondisyon

Last updated on June 8, 2020

Pinayagan na ng Local Government Unit (LGU) ng Malay, Aklan ang mga residente ng Boracay na maligo sa beach. Ito ay matapos isa ilalim ang isla ng Boracay sa modified general community quarantine (MGCQ) nitong Lunes. Ngunit may mga ilang kondisyon sa mga ito na nakapaloob sa isang Executive Order.

Ang executive order

Naglabas ang Malay Municipalty ng isang Executive Order sa kanilang Facebook page kahapon. Ito ay nagpapahayag na pinahihintulutan na ang mga non-contact sports kasama na rito ang paglangoy sa beach ng Boracay.

LGU Malay

Nakapaloob sa executive order na ito ang pagbibigay ng mga tiyak na gabay sa paglangoy sa Boracay. Pinaalalahanan din ng LGU, Malay ang mga manlalangoy na ang mga lugar na may mga red flag ay hindi maaring paglanguyan.

Mga Residente Ng Boracay Pinayagan Nang Maligong Muli Sa Beach, Sa Ilang Kondisyon 2
Booking

Samantala, sinabi rin ng EO na ang aktibidad kagaya ng beach viewing, sun bathing, at beach walking ay pinapayagan din na may pag-obserba ng physical distancing at pagsusuot ng mga mask.

“Beach viewing and sunbathing areas are hereby designated after every 200-meter swimming area mark. Beach walking is allowed subject to strict observance of physical distancing and wearing of masks,”- LGU, Malay

Magparehistro

Ayon pa sa LGU ng Malay, kinakailangan muna ng mga residente ng naturang lungsod na magparehistro sa lifeguard bago maligo ang mga ito. Ang listahan ay magiging basehan kung kailangang gawin ang contact tracing.

Mga Residente Ng Boracay Pinayagan Nang Maligong Muli Sa Beach, Sa Ilang Kondisyon 3
Multico Prime Power

Ito ay kung sakaling magkaroon ng kaso ng COVID-19 sa Boracay. Kasalukuyang COVID-19-free ang isla.

Ang kasiyahan

Ayon naman sa isang residenteng tumanging magpakilala, masaya siyang muling makaligo sa Boracay. Ito ay matapos ang mahigit dalawang buwan na lockdown dulot ng Covid-19.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: