Press "Enter" to skip to content

Cash Assistance Sa Mga Lugar Na Wala Ng Lockdown, Mawawala Na Rin

Abril 24 – Ang mga mahihirap na pamilya sa mga lugar na wala ng lockdown ay di na muling makakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Wala ng cash assistance

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang anunsyong tatanggalin na ang lockdown sa mga piling lugar. Aniya, ang ikalawang yugto ng SAP ay para na lamang sa mga apektado ng lockdown sa buong Metro Manila at iba pang mga lugar.

Cash Assistance Sa Mga Lugar Na Wala Ng Lockdown, Mawawala Na Rin 2

“‘Yung pag-distinguish between ECQ and GCQ (general community quarantine) importante po iyan kasi ‘yung second tranche ng ayuda na manggagaling sa gobyerno ay ibubuhos nalang natin po ngayon sa mga areas under ECQ,” 

General Community Quarantine

Sa press briefing ng pangulo kanina, inaprubahan na niya ang extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila. Kasama rin sa extension hanggang Mayo 15 ang Southern Tagalog, Central Luzon regions, Mindoro Islands, at mga probinsya ng Pangasinan, Benguet, Catanduanes at Albay.

Cash Assistance Sa Mga Lugar Na Wala Ng Lockdown, Mawawala Na Rin 3

Samatala, ang mga lugar na hindi na kasama sa extension ay isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ). Ang mga lugar na ito ay mas magiging maluwag na ang patakaran pagdating sa quarantine protocol. Makakabalik na rin sa kani-kanilang hanapbuhay ang mga residente sa mga lugar na ito.

Social Amelioration Program

Matatandaang naglaan ng P200 billion na pondo ang pamahalaan upang kahit paano ay mapunan ang kawalan ng kita ng mga mamamayan dulot ng lockdown. Nagkakahalaga ang cash assistance ng P5,000 hanggang P8,000 depende sa minimum wage ng isang lugar. Ang ayudang ito ay nakatakdang ibigay sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng dalawang buwan.

Cash Assistance Sa Mga Lugar Na Wala Ng Lockdown, Mawawala Na Rin 4

Nauna ng nailabas ang ponda para sa “first wave” ng SAP. Naipamahagi na rin ito sa karamihan ng mga lugar. Ngunit ang “second wave” ay ibubuhos na lamang umano sa mga lugar na may pinapatupad pa rin na ECQ.

Nakatakdang tanggalin ang ECQ sa piling lugar sa Abril 30. Ang mga lugar na ito ay may walang kaso ng COVID-19, kung meron man ay kakaunti lamang at kontrolado na ng lokal na pamahalaan.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: