Browse By

Mga Sinehan, Muli Ng Mabubuksan

Muli ng mabubuksang ang mga sinehan sa ilang mga lalawigan ng Metro Manila na nasa Alert Level 3. Ang mga papayagan lamang ay ang mga fully vaccinated at meron lamang dapat 30 porsyento ng indoor capacity.

Kahit konti lang, enjoy pa rin

Kapag lumiipat na ang Metro Manila sa Alert Level 3, makakabalik muli ang mga tao sa paborito nilang mga sinehan, Ang mga ito ay kasali sa mga negosyo na maaaring magbukas ng maximum na 30 porsyento ng indoor capacity para lamang sa mga fully vaccinated na mga indibidwal, at 50 porsyentong outdoor capacity sa ilalim ng Alert Level 3.

“Since it’s only 30%, there will be seats in between moviegoers that will be left vacant.”

– DILG spokesperson Jonathan Malata, October 14, 2021
Photo Credits: Rappler

Dagdag din na sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III tungkol sa pagobserba ng ahensiya sa pagbubukas muli ng mga sinema:

“For as long as the minimum health public standards are followed, we can give it a try then monitor if there’s going to be an unusual increase in cases if and when the cinemas are opened.”

“The 30% capacity means there is spacing, people need to have face masks, and the cinemas must have high-efficiency particulate air filters or HEPA.”

– Health Secretary Francisco Duque III, October 14, 2021
Photo Credits: Pexels.com

Muling ibalik ang sinehan

Noong Pebrero, pinayagan na ng pandemic task force ng gobyerno ang muling pagbukas ng mga sinema at iba pang negosyo at aktibidad sa mga lugar kung saan sila ay nasa general community quarantine o GCQ, ngunit ito ay hindi sinuportahan ng mga mayor ng capital region.

Ang Metro Manila ay mananatili sa Alert Level 3 simula ng Oktubre 16 hanggang 31.

Sources: CNN Philippines, ANC 24/7 YouTube Channel, Philstar

Leave a Reply

Your email address will not be published.