Press "Enter" to skip to content

Mga Taga-General Luna, Quezon, Nagpamalas Ng Pagbabayanihan!

Hindi pa rin nakakalimutan ng mga taga-General Luna, Quezon ang pagbabayanihan dahil ito ay kanilang ginawa upang malipat ang isang pahay patungo sa kabilang sitio ng barangay.

Ang bayanihan

Sa modernong panahon ngayon, bihira na lang tayo makasaksi ng mga pangyayari tulad ng bayanihan. Ang bayanihan ay parte ng kulturang Pilipino, ito ay kung saan sama-samang nagtutulungan ang mga magkakapitbahay na ilipat sa ibang pwesto ang isang bahay.

Mga Taga-General Luna, Quezon, Nagpamalas Ng Pagbabayanihan! 2
Photo Credit: ABS-CBN News

Ito ay naisasagawa noon dahil gawa lamang sa magagaan ngunit matitibay na mga materyales ang mga bahay, karaniwan ito ay mga kubo na gawa sa nipa at iba pa. Ito ay isang pag-uugali rin, na kung saan nagtutulungan ang mga tao at nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa. Ito ay nakikita natin tuwing ang mga Pilipino ay nagdadamayan pag may nangyayaring sakuna.

Ang pagtutulungan

Ang mga magkakapitbahay sa Barangay San Isidro Ilaya, General Luna sa lalawigan ng Quezon ay hindi nag-atubiling tumulong sa pagbubuhat ng isang bahay upang ito ay malipat sa kabilang sitio ng barangay. Ang nangyaring pagbabayanihan ay nakuhanan ng larawan ni Erwin Villaruel.

Mga Taga-General Luna, Quezon, Nagpamalas Ng Pagbabayanihan! 3
Photo Credit: Erwin Villaruel

Ayon kay Erwin, nasa 25 na mga tao ang nagtulong-tulong para buhatin ang bahay at dahil minsan lamang siya makakita ng ganitong pangyayari sa probinsya, kanyang kinuhanan ito ng litrato. Ang bahay na tulong-tulong na binubuhat ng mga magkakapitbahay ay pag mamay-ari ng kanyang pinsan at ayon sa kanya maayos naman itong nalipat.

Ang nangyari pagkatapos

Masaya naman ang mga tao habang nagbubuhat, hindi ininda ang bigat at ang sikat ng araw. Sila ay sumusunod sa kumpas ng isang lalaki na nagsilbing guide sa kanila. Ang pagbubuhat ay tinatayang inabot ng dalawang oras, matapos ang ginawang pagbabayanihan ang mga tumulong ay nagkaroon ng salo-salo.

Mga Taga-General Luna, Quezon, Nagpamalas Ng Pagbabayanihan! 4
Photo Credit: Erwin Villaruel

Pinapatunayan lamang ng pangyayari na hindi pa rin nakakalimutan ang tradisyunal na gawain ng mga Pinoy. Handa pa rin ang mga Pilipino na tumulong sa mga tao na walang hinihintay na kapalit at mayroon pa ring pagmamalasakit at respeto sa iba.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: