Ang lokal na pamahalaan ng Pasay ay namahagi ng mga food pack, face shield at mga face mask sa humigit kumulang 3, 000 na tricycle at pedicab driver. Ito ay bilang tulong sa mga naapektuhan ng pandemya at para na rin sa kaligtasan nila.
Ang tulong na ipinaabot
Noong Sabado, ang Sangguniang Kabataan (SK) ng lungsod ng Pasay mula sa Barangay 76 ay nagpaabot ng 3,000 na mga food pack, 3,000 na mga face shield, at 15,000 na mga face mask sa lokal na pamahalaan ng Pasay.

Ang ginawa nilang pagtulong ay parte ng kanilang hakbang upang maiwasan ang pagkahawa-hawa o ang pagkalat ng sakit dulot ng COVID-19 sa kanilang barangay. Ayon kay Barangay 76 SK Chairman Nohwie John Corpuz, ang kanilang mga ibinigay ay may layuning tulungan ang mga nasa transport sector na apektado ng COVID-19.
Ang pamamahagi
Sa pamamagitan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, inatasan niya ang mga nasa Pasay Tricycle-Pedicab Franchising and Regulatory Office na agad agad na ipamahagi ang mga donasyon sa mga tricycle at pedicab driver sa kanilang lungsod.

Maliban sa mga nakuhang donasyon mula sa SK, ipinahayag din ni Mayor Rubiano na nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa isang kompanya ng motorsiklo na Angkas upang makapagbigay ng libreng sakay at makagamit ng motorcycle barrier shield ang mga healthcare worker at iba mga medical frontliner sa lungsod.
Iba pang tulong
Maliban sa libreng sakay na ginagamitan ng barrier shield, ipinaalam din ng angkas na mayroon silang mga empleyado na nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan bilang mga contact tracer, ito ang kanilang paraan upang respondehan ang nagaganap na crisis sa lungsod.

Ayon kay Mayor Rubiano, ang positibong feedback ng Angkas ay makakatulong sa kanila upang ipaalam ang mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod. Ang ginagawa nilang aksyon ay makakatulong upang maibaba ang bilang ng mga kaso sa lugar.

Ipinaalala rin niya na kinakailangan na ang mga pasahero ay nakasuot ng face shield at face mask kapag sasakay sa mga pampublikong transportasyon, bilang pag-iingat sa mga pasahero at sa driver. Ang pamahalaan ay nagkaroon na nga memorandum kung saan ang driver sa lungsod ay kailangan ipasagawa ang “no face shield, no ride” sa kanilang mga pasahero.
Source: Philippine News Agency
Be First to Comment