Press "Enter" to skip to content

Mga Vending Stalls Sa Lungsod Ng Maynila, Cashless Na!

Cashless na ang mga bagong renovate na vending stalls sa Lungsod ng Maynila. Sa pakikipag-ugnayan ng kompanyang PayMaya at lokal na gobyerno, gumagamit na ng mga PayMaya machines ang mga stalls na ito na napapanahon sa pagdiriwang ng ika-449 anibersaryo ng Lungsod ng Maynila.

Maayos na stalls sa kalye

Ang mga vending stalls ay pinagkaloob ng gobyerno ng Lungsod ng Maynila para sa mga taong gustong magtinda ng kani-kanilang produkto sa isang maayos at organisadong lugar. Layunin ng mga stalls na ito na itaas ang dignidad ng mga nagtitinda sa kalye.

Mga Vending Stalls Sa Lungsod Ng Maynila, Cashless Na! 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Sa kasalukuyan, ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) ay nakapagtayo na ng kabuuang bilang na 90 vending stalls sa lungsod.

Ligtas na pamimili

Ngayong may pandemya ng COVID-19, isinusulong ng gobyerno ng Lungsod ng Maynila ang cashless transactions sa mga vending stalls. Sa pamamagitan nito, mapapanatili ang kaligtasan ng mga mamimili at mga nagtitinda.

Mga Vending Stalls Sa Lungsod Ng Maynila, Cashless Na! 3
Photo Credit: Facebook

Ayon sa head for wallet business ng PayMaya na si Kenneth Palacios, ang proyektong ito ay sumasalamin sa pagiging advance mag isip at mga future ideas ng lokal na gobyerno ng Maynila. Aniya,

“This is a brave new step. This is also a testament to the forward looking ideas of Mayor Isko Moreno.”

Iginiit din ni Palacios na malaki ang maitutulong ng cashless payments sa publiko upang hindi gaanong maging lantad sa nakamamatay na banta ng COVID-19. Dagdag pa niya, makatutulong ito sa mga tindero upang ma-monitor ng maayos at tama ang kanilang mga kita.

Pagsulong ng cashless transactions

Ang pakikipag-ugnayang ito ng lokal na gobyerno sa PayMaya ay isa lamang sa mga hakbang ng lungsod sa pagsusulong ng cashless transactions sa publiko.

Mga Vending Stalls Sa Lungsod Ng Maynila, Cashless Na! 4
Photo Credit: Facebook

Maaalalang naunang nailunsad ng Lungsod ng Maynila nitong Mayo ang GoManila app kung saan maaari nang mag apply online ang publiko ng kanilang birth certificate at makapagbayad ng kanilang mga amilyar at buwis sa negosyo.

Source: Manila Public Information Office

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: