Press "Enter" to skip to content

Mga Walang Trabaho Noong Buwan Ng Hulyo, Umabot Ng 45%!

Ipinarating ng Malacañang noong Lunes (Agosto 17) ang nakakalungkot na impormasyon mula sa datos na nakalap ng Social Weather Stations (SWS). Lumabas sa resulta ng isinagawang survey na malapit nang umabot sa kalahating porsyente (45%) ang mga Pilipinong walang trabaho noong buwan ng Hulyo 2020.

Ang datos mula sa survey

Kamakailan lamang ay nagsagawa ng mobile survey ang SWS, at lumabas na nasa 45.5% ang nagsabing wala silang trabaho noong buwan ng Hulyo, ang pagkawala ng kanilang trabaho ay dulot ng pandemya na nararanasan ng ating bansa.

Mga Walang Trabaho Noong Buwan Ng Hulyo, Umabot Ng 45%! 2
Photo Credit: GMA Network

Malaki ang itinaas ng mga nawalan ng trabaho, noong Disyembre 2019, ito ay nasa 17.5%. Nataasan nito ang dating record na 34.4% noong Marso 2012. Ang Malacañang ay inasahan na ang pagtaas ng bilang, ngunit inakala nila na mas malaki ito dahil sa lockdown na buhat ng COVID-19.

Ang naging pahayag

Nalulungkot man sa lumabas na resulta, ipinarating pa rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay inaasahan nang mangyari dahil ang bansa ay nagkaroon ng lockdown. Ukol kay Roque, mas magiging malala ang mangyayari kung nagkaroon ng complete lockdown.

Mga Walang Trabaho Noong Buwan Ng Hulyo, Umabot Ng 45%! 3
Photo Credit: Inquirer.net

“Ako po’y nagagalak na hindi tayo 100 percent nawalan ng trabaho kasi sa tagal po na naka-lockdown tayo. Talagang I’m still surprised at our resilience at 45 percent pa lang po nawawalan ng trabaho,” paliwanag ni Roque.

Ayon kay Roque, ang pamahalaan ng ay naghahanap na ng paraan upang mabigay ang pangangailangan ng mga Pilipino na lubusang apektado ng lockdown dahil sa COVID-19. Tutulungan din nila ang mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Mga Walang Trabaho Noong Buwan Ng Hulyo, Umabot Ng 45%! 4
Photo Credit: Business Mirror

“I think government is looking at opening the economy and providing financial assistance to small and medium scale enterprises and also assistance to strategic businesses even if it is not small and medium scale,” saad ni Roque.

(Sa tingin ko ang pamahalaan ay pinag-iisipan na ang pagbukas ng ekonomiya at magbigay ng tulong pinasyal sa mga small at medium enterprises (MSMEs) at bigyang tulong din ang mga negosyo na hindi small at medium.)

Ang bilang ng mga walang trabaho

Sa 45.5% na nakuhang datos mula sa ginawang mobile survey, lumalabas na 27.3 milyong mga Pilipino ang nawalan ng trabaho. Noong Disyembre 2019 na nasa 17.5%, ito ay umabot ng 7.9 milyong mga Pilipino ang walang trabaho.

Ang mga kategorya ng mga walang trabaho ay ang mga boluntaryong umalis sa kanilang pinagtatrabahuhan, ang mga unang beses pa lamang na naghanap ng trabaho, at ang tuluyang nawalan ng trabaho dahil sa mga pangyayari na hindi nila kontrolado.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: