Press "Enter" to skip to content

Micro, Small, At Medium Enterprises Sa Pilipinas, Tinulungan Ng Gobyerno!

Sa tulong ng Department of Trade and Industry, ang gobyerno ay naglunsad ng iba’t ibang programa upang mapabuti at mas mapalapit sa mga mamimili ang mga micro, small at medium enterprises, at ito ay naisagawa ngayong administrasyon ni Durterte.

Ang programa

Mula sa ulat nito sa Opisina ng Presidente, isiniwalat ng DTI na nakapagpatayo na ng 37 na One-Town-One-Product (OTOP) sa buong bansa. Ang OTOP Philippines ay programa ng DTI na may layunin na alamin, mapahusay, at palaganapin ang mga produktong gawang lokal.

Micro, Small, At Medium Enterprises Sa Pilipinas, Tinulungan Ng Gobyerno! 2
Photo Credit: Good News Pilipinas

Noon pang 2017 ay may kaparehong programa ito na tinawag na OTOP Next Gen Program, at ito ay nakatulong na sa 30,759 MSMEs upang mas mapalapit ang mga ito sa mga mamimili. Kabilang ang ilang mga produkto dito na napaganda ang mga pakete ay nakasama rin sa mga OTOP Philippines hubs. Mula pa sa taon na iyon ang mga enterprises na ito ay nagkaroon nang kabuuang benta na nagkakahalaga ng PHP3.11 bilyon.

Iba pang proyekto

Dahil nais ng DTI na tangkilikin din ang direktang pagbili sa mga local supplier, sinimulan nila ang pabubukas ng 123 Go Lokal! outlets sa mga mall sa buong bansa. Hanggang ngayon, nasa 17 na ang mga kompanyang tumutulong sa Go Lokal, ilan sa mga ito ang Ayala Malls, City Mall, Duty Free, Robinsons, at Rustan’s

Micro, Small, At Medium Enterprises Sa Pilipinas, Tinulungan Ng Gobyerno! 3
Photo Credit: Philippine Star

Mas pinalawak ng DTI ang sakop ng mga negosyo, isa ang Marahuyo sa mga negosyo na nasa high-end market at bukas sa mga turista galing sa ibang bansa. Naging limitado lamang ang galaw ng negosyo dahil sa nangyayaring pandemya ngayon sa ating bansa kaya inanyayahan ng DTI ang mga negosyong ito na makipagsabayan na at gamitin ang internet

Online na ang negosyo

Ayon kay DTI Export Marketing Bureau (EMB) Director Senen Perlada, ito ay upang hindi pa rin tumigil ang negosyo kahit na may kinahaharap ang bansa at upang tangkilikin ang kanilang negosyo ng mga taga-ibang bansa.

Sa kabila ng pandemya, patuloy pa rin ang pagbubukas ng mga physicals stores ng OTOP, at noong Huwebes ay binuksan na ang ika-38 na OTOP Philippines hub sa Sorsogon.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: