Press "Enter" to skip to content

‘Middle Class’ Kasama Sa Mabibigyan Ng Ayuda, Ayon Sa DOF

Good news para sa mga middle class na umaaray na dahil sa pinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon. Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, maglalagak ng pondo ang gobyerno para sa mga middle class families na apektado ng pinapairal na ECQ sa bansa. Ang magandang balita ito ay ibinahagi ni Cavite Governor Jonvic Remulla.

Open letter

Matatandaang nagpabatid ng kanyang open letter si Cavite Gov. Remulla kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagbibigay ng ayuda sa mga middle class families na sya ring apektado ng enhanced community quarantine. Nakiusap ito sa pangulo na isama sa listahan ng mabibigyan ng financial relief programs ang mga pamilya na kabilang sa middle class.

‘Middle Class’ Kasama Sa Mabibigyan Ng Ayuda, Ayon Sa DOF 2

Aniya ay bunsod ng ECQ ay pagtigil ng trabaho sa maraming industriya kaya naman libo-libong workers ang naapektuhan nito.

Nadinig

Sa isa sa mga presscon ng pangulo ay pinahayag nito ang pagkokonsidera sa request ng Cavite Governor. Pagbabahagi ni Remulla sa isang phone interview sa Super Radyo dzBB,

“Nagcommunicate sa akin si Secretary Dominguez, kasama raw sila sa next tranche ng distribution ng SAC. Kung ano ang porma noon ay hindi ko pa alam, pero ang sabi niya kasama ang middle class sa second
tranche,”

Dagdag pa nito,

“Nahihirapan rin kasi ang middle class, ubos na ang kanilang savings sa isang buwan.”

Ganunpaman, hindi nagbigay si Dominguez ng konkretong timeline ukol sa pamimigay ng ayuda sa mga pamilya na kabilang sa middle class. Ayon pa kay Remulla,

“Nasa kanila na iyon. Inarticulate ko lang ang nararamdaman ng aking mga kababayan, at buong Pilipinas pala ay ganun na rin ang pakiramdam.”

Middle class

Sino ba ang mga pamilyang pasok sa middle class?

Ayon sa pag-aaral ng Phil Institute for Development Studies (PIDS), 40% ng populasyon ay nabibilang sa middle class at 58% ng populasyon ay kabilang sa low income class. Base sa datos ng pag-aaral, nahahati sa tatlong kategorya ang mga middle income households:

  • Lower middle income class
    Ito ang mga pamilya na tumatanggap ng monthly income between P19,040 hanggang P38,080.
  • middle income class
    Ito ang mga pamilya na tumatanggap ng monthly income between P38,080 to P66,640 .
  • upper middle income class
    Ito ang pamilya na tumatanggap ng monthly income between P66,640 hanggang P114,240.

Ayon naman kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, wala pang konkretong timeline ang gobyerno kung itutuloy o hindi ang pagbibigay ng financial aid sa mga pamilyang kabilang sa middle class.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: