Press "Enter" to skip to content

Misis, Ginawan Ng Fake FB Account Si Mister At Nagpost Ng Pagbabanta Kay Duterte

Gulat na gulat at di makapaniwala ang isang security guard nang magviral ang diumano kanyang litrato sa Facebook. Ang masama pa niyan, ang litrato nito ay may kalakip na post ng pagbabanta sa pangulong Duterte. Sa post ay naghahamon ito ng away sa pangulo. Nagbanta din ito na p4p4t4yin nito ang presidente.

Galit ni misis

Ang tao sa likod ng viral post na ito ay ang misis ng biktima. Saad sa post,

Misis, Ginawan Ng Fake FB Account Si Mister At Nagpost Ng Pagbabanta Kay Duterte 2

“Duterte… m4m4m4t4y tao ka, kriminal, pinasara mo pa ABS-CBN. Hayop ka, ‘wag ka magtago sa Malacañang. Lumabas ka, suntukan tayo. Babasagin ko mukha mo. PApAtAyiN kita,”

Fake account

Bunsod ng pagviral ng post ay nagsagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation Cybercrime Division. Sa huli, natunton nila ang security guard at doon ay napag-alaman na hindi pala ito ang tao sa likod ng pekeng Facebook account.

Misis, Ginawan Ng Fake FB Account Si Mister At Nagpost Ng Pagbabanta Kay Duterte 3

Pagbabanta

Kaya naman pala kabado at lubos ang pag-aalala ng sekyu dahil aniya marami itong natatanggap na mensahe mula sa mga netizens. Marami ang nagpabatid ng galit habang ang iba naman ay pinagbabantaan ang kanyang buhay.

Misis, Ginawan Ng Fake FB Account Si Mister At Nagpost Ng Pagbabanta Kay Duterte 4

“E nag-viral na po, siyempre kinabahan ako, ang dami pong nagsasabi sa’kin na papatayin daw po ako, pinagbabantaan daw po ako ng mga tao,”

Paglilinaw ng sekyu,

“‘Yung dirty finger na po ‘yun, 2016 o 2017 pa po ‘yung picture na ‘yun. Tapos pinag-combine po sa picture ni sir Presidente Duterte na nag-post na hahamunin tapos pagmumurahin at papatayin ko po raw, sabi do’n sa post,”

Timbog

Isang entrapment operation naman ang isinagawa ng kapulisan na kung saan ay nadakip ang tunay na gumawa ng post at pekeng account. Napag-alaman na ito ay ang dating misis ng security guard at nagpakilala bilang alyas Shirley.

Misis, Ginawan Ng Fake FB Account Si Mister At Nagpost Ng Pagbabanta Kay Duterte 5

Dahil sa lubos na galit sa pag-iwan sa kanya ay nagawa ng salarin ang nagviral na post.

“Sa sobrang galit lang po ta’s hindi ko po akalain na gano’n po ‘yung mangyayari, ‘yung magva-viral po,”

Misis, Ginawan Ng Fake FB Account Si Mister At Nagpost Ng Pagbabanta Kay Duterte 6

Nanghingi naman ito ng tawad sa pangulong Duterte dahil napasama pa ito sa away nilang mag-asawa.

“Mr. President Duterte, humihingi po ako ng paumanhin sa inyo. ‘Di ko po gustong gawin na madamay po kayo sa away naming mag-asawa,”

Mahaharap sa mga kasong grave threat at identity theft ang misis na si Shirley.

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: