Press "Enter" to skip to content

Misis Na Di Daw Niligawan Ni Mister Noon, Sumama Sa First Love Niya

Last updated on March 18, 2020

Isang misis ang iniwan ang kanyang pamilya at sumama sa dating kasintahan na siya rin niyang first love. Desididong iwan ng misis ang kanyang asawa dahil sa sama ng ugali nito at ni di man lang raw siya niligawan noon.

First Love

Sumugod sa tanggapan ng batikang broadcaster na si Raffy Tulfo si Judito Galgo kasama pa ang kanyang 3 anak na lalaki upang isumbong at humingi ng tulong para mapakulong ang asawa niyang si Judith Galgo dahil sa umano ay iniwan sila nito para sumama sa kanyang first love na nakitang muli matapos ang matagal na panahon.

Ayon kay Judito ay nahuli niya ang kanyang misis ng mabasa niya ang palitan nito ng messages at kanyang kalaguyo na si Francisco Guilles. Laman daw ng mga mensahe ay ang mga kahina-hinala at di naaayong mga pag uusap. Galit na galit rin pati ang kanilang anak dahil inabandona sila ng kanilang ina dahil kay Francisco. Nag iwan lang umano si Judith ng sulat at lumayas ng walang paalam.

Misis Na Di Daw Niligawan Ni Mister Noon, Sumama Sa First Love Niya 2

Abusado

Depensa ni Judith, lumayas siya dahil natakot siya sa banta ni mister na sasaktan siya nito lalo at lagi daw itong may nakahandang patalim. Dagdag pa niya, masama daw talaga ang ugali ng mister niya kahit noon pa man dahil sugarol at nananakit daw ito ng mga anak at maging siya ay napagbubuhatan ng kamay.. Kwento pa niya, hindi daw talaga niya nagawang mahalin si Judito dahil ni hindi man lang daw siya nagawang ligawan noon at basta na lamang siya pinagsamantalahan. 

Nung una ay todo pagtanggi ang magkalaguyo na may nangyari na sa kanila ngunit ng kausapin ni Tulfo si Francisco ng sarilinan ay inamin nitong dalawang beses ng may nangyari sa pagitan nila. Depensa ni Francisco, akala niya ay hiwalay na si Judith sa asawa kung kaya niya nagawa iyon. Aniya, nais lang niyang tumulong kay Judith kung kaya inihanap niya ito ng tutuluyan at dinadalaw lang paminsan minsan. Nadamay lamang daw siya sa away ng pamilya Galgo.

Misis Na Di Daw Niligawan Ni Mister Noon, Sumama Sa First Love Niya 3

Tuloy ang kaso

Nakiusap si Judith sa mga anak na huwag pumayag sa gusto ng kanilang ama na ipakulong siya. Pangongonsensya niya sa mga anak, naging mabuting ina naman ito sa kanila noong di pa sila nagkakaaway-away. Sa katunayan umano ay siya lagi ang tumutulong sa kanyang mga anak tuwing may mga problema ang mga ito. Hindi daw makalapit ang mga ito sa kanilang ama dahil sinisigawan lamang sila nito. 

Misis Na Di Daw Niligawan Ni Mister Noon, Sumama Sa First Love Niya 4

Binigyan ng pagkakataon ni Raffy ang mga anak na magbigay ng sariling saloobin patungkol sa pagpapakulong sa kanilang ina. Nang una ay nais talaga nilang ipakulong si Judith ngunit ng marinig ang sumamo ng ina ay nagbago ang isip ng mga ito. Nag usap ng masinsinan ang mag-aama ngunit desidido talaga si Judito na kasuhan ang dalawang magkalaguyo kung kaya tutulungan siya ng tanggapan sa pag proseso ng demanda. Sa huli, pinayuhan na lamang ni Raffy si Judith na may abogadong galing sa PAO na maaaring tumulong sa kanya at umasa na lamang na magbago ang isip na Judito at iurong ang kaso.

Narito ang video ng kwento ng pamilya Galgo:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: