Press "Enter" to skip to content

Misis Na Ipinagpalit Ang Asawa Sa Pinsan Inaksyunan Ni Idol Raffy!

Nueva Ecija, Philippines- Isang Australiano ang ipinagpalit ng misis sa sarili nitong pinsan, matapos mabuking si misis ay nagawa pa nitong ipa-pulis ang asawa dahilan kaya ito ay dumulog sa programang Raffy Tulfo In Action.

Ang misis

Si Annabelle Stuart ay isang Chef Manager sa isang catering sa bansang Autralia kung saan sila nagkakilala ng asawa nitong si Jayson Stuart na isang Engineer. Ayon sa asawa, lagi itong wala sa kanilang bahay dahil ito ay nadidistino sa ibang bansa dahil sa uri ng kanyang trabaho, dahilan kaya malimit din ang kanilang pag-uusap ng kanyang misis.

Ang Misis- Idol Raffy
Photo Credit: Youtube

Sa video ng panayam kay Jayson sa programa ay sinabi nito na ang kanyang misis at kabit nito ay nakikita diumano na naghahalikan, at nagtatalik sa kanilang kwarto sa sarili nitong tahanan. Ito ay ayon sa kanilang kasambahay at iba pang kakilala na nakakita sa mga ito, sa katunayan ay may ebidensya diumano ito na magpapatunay na totoo ang kanyang sinasabi tungkol sa kanyang misis at ang pinsan na kabit nito.

Ang ginawa ng misis

Dagdag pa nito, nagawa pa diumano na ipina blotter ito ng kanyang misis sa kanilang barangay pati na din sa mga pulis nang ito ay bumalik sa kanilang bahay, dahilan kaya ito ay humingi ng tulong sa nasabing programa.

Ang Ginawa- Idol Raffy
Photo Credit: Youtube

Hindi mapigilan ni Jayson ang maiyak dahil sa ginawa sa kanya ng misis nito at hindi maubos maisip na paano ito nangyari sa kanya matapos nitong ibigay ang lahat ng pangangailangan nito pati nang dalawang anak nito sa iba pang lalaki.

Ang aksyon ni Idol

Samantala sinabi ni Idol Raffy sa Australiano na maari nitong sampahan ng kasong adultery ang kanyang asawa kung nais nito. Gayunpaman nais ng programa na kasuhan ang misis upang mabigyan ng katarungan si Jayson sa nangyari.

Narito ang nasabing video

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: